Rizal, Occidental Mindoro faced a tragedy when 11 people who hailed from the town died in a massive fire in Quezon City.
Rizal Mayor Sonny Pablo made sure to assist their families.
And Pablo was not alone in this, as many others also lent a hand, and he made sure to thank all of them.
In a Facebook post, he said many officials helped bring the victims’ relatives to Metro Manila and assisted them with the processing at the funeral parlor, the submission of DNA samples, the application for assistance with the Department of Social Welfare and Development, the discussions with the victims’ employers, their return to the province, and the preparations for the transportation of their loved ones’ bodies back home.
He thanked the Quezon City government led by Mayor Joy Belmonte; the Occidental Mindoro provincial government led by Gov. Ed Gadiano; the Philippine National Police Forensics Group and scene of the crime operatives; the DSWD led by Sec. Rex Gatchalian; personnel of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office; ABSC-CBN journalist Dennis Datu; fellow Mayors who provided assistance; and the survivors of the fire.
Pablo said the families of the victims would need to wait for a week for the processing of the remains and the cross matching of DNA samples to be completed. It is only after this that the remains could be brought back to Rizal.
He thanked the Lord for giving him the strength to help them in this trying time.
He also condoled with the families over their loss.
He called for prayers for the souls of the victims.
“𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗔𝗠𝗜 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡!
Matapos masunog na sanhi ng pagkamatay ng ating 11 kababayan, HINDI mo maririnig ang katagang hindi kami tinulungan kundi puro ‘SALAMAT’
Simula sa pag inform sa mga pamilyang nabawian ng buhay, hanggang sa pagsundo at paghatid sa Maynila, pagproseso sa punirarya, DNA sampling sa Crame, paghingi ng assistance sa DSWD at government of Quezon City, sa kanilang tutuluyan sa Maynila, pakikipagusap sa naiwang pamilya ng korporasyong kanilang pinagtrabahuhan, hanggang sa kanilang pagbalik sa probinsya at sa pagsundo ng labi ng mga namatay, lahat yan ay tulong-tulong na naiproseso para sa ikapapanatag ng mga naiwang pamilya.
Salamat sa QUEZON CITY GOVERNMENT sa pangunguna ng Mayor Joy Belmonte, sa kanilang PIO, kay Miss Amabel, kay Atty. Grapilon, kay SC Serrano at sa lahat ng kanilang mga kawani na hindi kami iniwan at mainit na tinanggap, salamat.
Salamat sa Provincial Government kasama ang Gov. Eduardo Gadiano na kinatawan ng ating masipag na PSWDO Sally Lamoca, na kasama natin ng mahigit bente-kwatro oras para maayos ang sitwasyon ng ating mga kababayan.
Sa ating PNP Forensic Group, sa SOCO at sa DSWD National Office na pinangunahan ng ating Sec. Rex Gatchalian.
Salamat sa mga empleyado ng ating MDRRMO headed by Jolence Soriano at kanyang mga kasama para sa pagtransport ng ating mga kababayan.
At kay Sir Dennis Datu ng ABS-CBN para sa pinaka-unang taong nag-inform sa akin ng mapait na sinapit ng ating mga kababayan, ganun na rin sa lahat ng mga news agencies na aming mga kakampi sa pag-inform sa publiko.
Sa aking mga kapwa Mayors na nakikipagtulungan para makampante ang ating mga kababayan.
Sa pamilya Cabelte at mga kasamang nakaligtas na patuloy ang pagtulong. Ipagdadasal namin kayo. Salamat dahil hindi ninyo pinabayaan ang mga naulila.
Sa ngayon, ay kailangan pang mag-hintay ng mahigit isang linggo bago maiproseso ang mga labi ng mga nasawi para sa cross matching ng DNA samples at saka palang maiuuwi ang mga nasawi sa ating lalawigan.
Salamat sa Panginoon sa lakas na binibigay sa akin para ako’y makatulong. Walang pagod basta alam mong tama ang ginagawa mo.
Muli, ang aking pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng 11 Mindoreñong nasawi sa sunog.
Iba ang nagagawa ng pagtutulungan. Sobra-sobra kaming tinulungan at hindi totoong hindi kami tinulungan (intro ko lang yun para basahin mo hanggang dulo).
Ipagdasal natin ang kaluluwa ng ating mga kababayan, isa sa mabisang tulong na magagawa mo,” Pablo posted.