Camarines Norte Governor Dong Padilla has touted the progress made by his administration when it comes to the agriculture sector.
Padilla said that in his first day of office, he discussed agriculture programs with Vice Governor Joseph Ascutia.
“Mabilis ang tugon ni Engr. Almirante Abad hinggil sa mga datos na kailangan na una ay para sa mga magtatanim ng palay. Makalipas ang ilang buwan nagkaroon agad ng iba’t ibang kasunduan sa pagitan ng CP Foods, Dole Philippines at Dizon Farms at ang mga partners nating ito ay bumababa na sa ating mga magsasaka para magsagawa ng pagbibigay ng nararapat na bagong kaalaman,” said Padilla.
“Nagkaroon rin ng proyekto na tinatawag na PALGU mula sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan na nagbibigay ng subsidy sa mga nagtatanim ng palay nang sa gayon ay hindi nila kailangan agad ng puhunan upang makapagtanim. Samantalang ito ay kanilang babayaran sa oras na sila ay makapag-ani na,” he added.
Padilla acknowledged that there is so much to be done, especially in livestock farming, but he noted the significant progress of his administration to improve the lives of the farmers.
“Bagamat marami pa ang kailangang asikasuhin lalo na sa livestock farming, batid natin na ang mga pagbabagong isinasagawa ay naka sentro na tungo sa pangmatagalang kasiguraduhan sa pagkain – na ang bawat CamNorteño may sapat at masustansyang kakainin araw-araw at sa pangmatagalan ay kayang masuportahan ng ating mga magsasaka ang pagkaing kinakailangan ng ating lalawigan,” said Padilla.
“Bawat butil, bawat kakainin ng mga kababayan natin ay pinunla, inani o inaalagaan dito sa ating lalawigan – Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng Food Security Task Force ng Camarines Norte. Layon din ng Task Force na ito ang magkaroon ng mura at mas maayos na access sa pagkain maging ang kapasidad ng tao sa pagkuha nito,” he said.
“Malayo pa pero malayo na. Kaya naman po hangad natin na bawat programa ng barangay, munisipalidad at probinsya ay nakatuon tungo sa seguridad ng pagkain para sa lubos na pagsasakatuparan ng layuning ito,” he continued.