Odiongan Mayor Trina Fabic is feeling proud because a story written by her kababayan and inspired by their town is now a TV show.
In a Facebook post, Fabic said the Luv Is: Love at First Read show that will air on GMA beginning June 12 is based on the Wattpad webnovel of Odiongan’s Chix Pereseo, known as ‘ChiXnita.’
The mayor was able to chat with Pereseo, who informed her that her novel’s setting was inspired by Odiongan.
The characters in the book were also inspired by her friends and the people she met.
Fabic hailed Pereseo for her talent. She has already published three novels that are available in bookstores nationwide.
She called on her constituents to watch the GMA show based on Pereseo’s work to show support for their kababayan.
Odiongan is proud of its talented writer!
“𝗣𝗥𝗢𝗨𝗗 𝗢𝗗𝗜𝗢𝗡𝗚𝗔𝗡𝗢𝗡
Ngayong June 12, mapapanood na bago mag-24 Oras sa GMA 7 ang pilot episode ng LUV IS: LOVE AT FIRST READ na pinagbibidahan nina Sparkle loveteam, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Pero alam mo ba na ang sumulat ng Wattpad webnovel na ito ay taga-Odiongan, at laking-Odiongan?
Ang webnovel na Love at First Read na umabot ng halos 23.7 million reads ay sinulat ni Chix Pereseo o kilala bilang “ChiXnita” ng Barangay Rizal. Sa pakikipagpanayam namin sa kanya, sinabi nito na bata pa lang siya ay mahilig na raw talaga siyang magsulat pero hindi niya ito natatapos. Isa rin sa pinagkakaabalahan niya noong high school ay ang pagbabasa ng mga pocket books. Kaya noon pa ma’y pangarap na talaga niyang maging isang writer.
Sa Love at First Read, sinabi ni Chix na ang bayan ng Odiongan ang inspirasyon niya sa setting ng lugar sa nobela. Bukod pa rito, ilan sa mga characters sa libro ay mula sa inspirasyon ng kanyang mga kaibigan, at minsan sa mga nakakasalamuha sa publiko. Isa talagang nakakamanghang talento ay ipinamalas ni Chix na bunga ng kanyang masining na imahinasyon.
Nagsimula siyang magsulat sa Wattpad noong 2015, at nakapagpublish na siya ng tatlong (3) nobela na pinamagatang: In a REALationSHIT, Love at First Read, at Targets of Destiny. Lahat ng ito ay mabibili sa Shopee, Lazada, at National Book Stores nationwide.
Bilang suporta sa ating kababayan, panoorin natin ang LUV IS: LOVE AT FIRST READ sa GMA 7 at bumili ng kanyang mga libro online.
Proud kami sayo Chixnita! Proud Odionganon!” Fabic posted.