Odiongan Councilor Kaila Yap celebrated her mom’s 50th birthday this year in a hospital.
In a Facebook post, Yap said her mother had been looking forward to her golden birthday, but the Lord had other plans.
Her mom Maela was in the hospital on her special day.
Nevertheless, she is grateful that her mother still got to celebrate her birthday this year.
Her mom is more than just a good mother; she is also a good sibling, daughter, friend and wife. She has seen her mom’s support, sacrifice, and effort to give her family a good life, she added.
Her mom is also well-loved, and people sent cake and financial assistance for her, she shared.
The councilor feels so lucky to have a mom like hers.
All she wants now are prayers for her quick recovery.
“Mama’s 50th Birthday
Isa itong espesyal at hindi basta bastang pagdiriwang ng iyong kaarawan mama. Matagal tagal kong hinintay at pinaghandaan ang iyong kaarawan kasi golden ito, at batid ko rin ang iyong kagalakan sa nalalapit mong kaarawan. Pero hindi natin alam ang plano ng Poong Maykapal sa ating buhay.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nandito tayo sa ospital nagdiwang ng iyong kaarawan. Lubos na nagpapasalamat parin ako sa Diyos sa araw na ito dahil hindi Niya parin tayo pinababayaan.
Marami ang nananalangin kasama natin sa laban na ito, naniniwala sa Diyos at sa kanyang kakayahan na magpagaling ng may sakit.
Batid ko kung gaano ka naging isang mahusay na nanay/ina sa amin, kapatid sa iyong mga kapatid, anak kala lola Pey at lolo Rod, kaibigan, kamapilya, at higit sa lahat asawa kay papa Teng. Nasaksihan ko yung lahat ng ginawa ninyo para sa amin, suporta, sakripisyo, at pagtitiis upang mapabuti ang buhay natin.
Maraming salamat mama dahil tunay ngang napakabuti mong anak ng Diyos at marami ang nagmamahal sayo. May nagpadala ng cake, tulong pinansyal para masuportahan ang iyong pagpapagamot.
Masiyahin, matatag, maunawain, maaalalahanin na nanay/ina sa amin ni bunso. Mapalad ako dahil mayroon akong isang nanay na katulad mo. Mahal na mahal kita inay/mama/moma/motherdear.
Maligayang Kaarawan saiyo ma! Maela Firmalo Alvar – Yap
Hinihiling ko po ang lahat na, magpause po muna tayo kahit 1-3 minuto upang magdasal na sana ay gumaling na si mama/inay/motherdear/moma ko. At nakikiusap po ako kung maari ay isama niyo po ang aking nanay sa inyong mga panalangin. Maraming salamat po,” Yap posted.