Rep. Tarriela inspects onion cold storage facility in Magsaysay

POLITIKO - The bible of Philippine Politics.
Occidental Mindoro Rep. Odie Tarriela has visited the WBI Onion Cold Storage Facility in Magsaysay town.
“Binista ni Cong. Odie F. Tarriela ang WBI Onion Cold Storage Facility sa Bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro upang tingnan ang mga pasilidad nito bilang paghahanda ng lalawigan sa darating na anihan ng sibuyas,” said the lawmaker’s office.
“Sa kasalukuyan, ang WBI Onion Cold Storage Facility ay may kapasidad na mag-imbak ng mahigit 400,000 red bags ng sibuyas, at may itinatayo pang mga karagdagang pasilidad para madagdagan pa ang kapasidad nito,” it added.
The storage facility can hold as much as 3 million red bags of onions as the province prepares for the upcoming harvest season.
“Tinatayang 2-3 million red bags ng sibuyas ang inaani sa lalawigan ng Occidental Mindoro kada taon, at inaasahang tataas pa ito lalo na’t tinututukan ngayon ang agricultural mechanization at modernization para mas mapataas ang ani ng ating mga magsasaka,” said Tarriela’s office.
“Dahil dito, napakahalaga para sa mga agricultural provinces tulad ng Occidental Mindoro ang mga onion cold storage facility upang masiguro ang sapat na suplay ng sibuyas sa buong taon at maiwasan ang mga shortage na nagiging dahilan ng biglang pagtaas ng presyo nito,” it added.
Tarriela is also hoping that more storage facility will be built in Occidental Mindoro.
“Inaasahan na mas marami pang cold storage facility ang maitatayo sa ating probinsya bilang pagtugon sa kinakailangang mga imbakan para sa mga inaaning produkto ng ating mga magsasaka,” the solon’s office said.
“Patuloy tayong makikipagtulungan sa Department of Agriculture para tugunan ang mga kinakailangang mga equipment, pasilidad at imprastraktura ng ating mga magsasaka para mas mapalakas at mapangalagaan natin ang industriya ng pagsasaka sa ating probinsya na napakahalaga para masiguro ang sapat na suplay ng pagkain hindi lamang sa lalawigan kundi pati sa buong bansa,” it added.