gilc27.sg-host.com

Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor leads planting of 10k trees

0

Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor led the activity to plant around 10,000 trees all around the province.

This represents 10,000 chances of hope for mother nature, said Dolor.

He vowed to continue looking after the province’s natural resources.

But he also called on the people of the province to do their part in taking care of the environment.

After all, they will be the first to benefit from it!

“𝘼𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮!

Tinatayang nasa 10,000 puno ang naitanim natin sa iba’t ibang barangay sa buong lalawigan ngayong araw. 10,000 puno lang para sa iilan ngunit ito ay 10,000 PAGASA PARA SA INANG KALIKASAN. Habang buhay kong dadalhin sa aking puso ang naging karanasan ko ngayong araw lalo’t higit ang pangunguha ng pako sa kagubatan. Makakaasa kayong may Pamahalaan kayong patuloy na mangangalaga sa kalikasan. Muli po, tulad ng aking naging bilin sa mga Barangay na ating binisita, kayong mga residente po ang pangunahing matutulungan ng mga itinanim na puno kaya’t sana naman po ay alagaan natin sila katulad ng pagaalaga natin sa ating buhay.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng makubuluhang araw na ito. Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ng Sangguniang Panlalawigan, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Local Government Units (LGUs) at sa lahat ng nakiisa MARAMING MARAMING SALAMAT PO,” Dolor posted.

Trending Topics - POLITIKO