gilc27.sg-host.com

Hagedorn marks Feast of the Immaculate Conception

0

Palawan Rep. Edward Hagedorn has commemorated the Feast of the Immaculate Conception in Puerto Princesa City.

Hagedorn recognized their patron saint and thanked her for the blessings that Puerto Princesa received.

“Nakatatak na sa puso ng mga taga Puerto Princesa ang pagmamahal at pagtatangi sa Inang Maria. Mula sa pagkakatatag ni San Ezekiel Moreno sa ating lungsod, sa mga progreso at pag unlad, hanggang sa pagtawid natin sa pandemyang ito, ay naramdaman natin ang pagpisan at paggabay ng isang Ina,” said the lawmaker.

“Ngayong kapistahan ng dinadakila nating Patron na Inmaculada Concepcion, halina’t ipagpasalamat ang mga biyaya na sa pamamagitan niya’y natamasa, ang sa ati’y pakikilakbay niya sa bawat krisis o kalamidad na dumaan,” he said.

“Nawa, tularan natin ang kanyang halimbawa sa pagiging simple, mapagkumbaba, handang umalalay sa mga nangangailangan at walang sawang pagmamahal sa ating bayan,” he continued.

Hagedorn also said that his family is a devotee of the Immaculate Conception.

“Kami ma’y dumanas rin ng mga iba’t ibang pagsubok sa buhay, ngunit ang mga pagsubok na ito, lalong nagpalalim at nagpatibay ng aming paniniwala, pananampalataya at pagmahahal sa Ina at sa kanyang anak na si Hesus,” he said.

“Sa bawat misteryo ng buhay na ating dinaraanan, sa bawat Tuwa, sa bawat Hapis, sa bawat Luwalhati, nawa mas lalo tayong mapalaplt sa Panginoong Hesus sa tulong ng kanyang Ina at ating masambit na,’𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗜𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮, 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗸𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗛𝗲𝘀𝘂𝘀.’,” he continued.

Trending Topics - POLITIKO