gilc27.sg-host.com

Panaligan seeks to ban mining operations in Mindoro

0

Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan has filed a measure seeking to ban all mining operations in the Island of Mindoro.

Panaligan filed House Bill No. 3891 or the proposed “An Act Declaring the Island of Mindoro a Mining-Free Zone, Prohibiting All Forms of Mining Operations and Providing Penalties Therefor.”

“Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ipagbabawal ang lahat ng uri ng pagmimina sa buong Isla ng Mindoro, kasama ang black sand mining at armour rock mining at ang mineral extraction,” said the lawmaker.

Panaligan explained that the bill aims to preserve the environment and natural resources of Oriental Mindoro and Occidental Mindoro.

“Nararanasan natin ang matinding epekto ng pagkasira ng kalikasan at kapaligiran tulad ng malawakang pagbaha na nagwawasak sa ating mga lupaing agrikultural, mga pamayanan at mahalagang mga imprastraktura,” said Panaligan.

“Ang buong Isla ng Mindoro ang saklaw ng House Bill No. 3891. Iisa lamang ang kabundukan ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro, ang Mount Halcon range at ang mga malaking ilog at mga kanlungang tubig o watershed areas natin ay magkakaugnay. Iisa rin lang ang biodiversity ng buong isla. Kaya sa pangangalaga ng kalikasan, ang buong isla ang dapat na protektahan,” he added,

He also asked his constituents to support the bold measure.

“Nakikiusap din ako sa ibang mga nanunungkulan sa ating lalawigan at mga pamahalaang lokal na suportahan ang House Bill No. 3891. Hinihiling ko sa ating Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Panlungsod at mga Sangguniang Bayan na magpasa ng kaukulang resolusyon ng pagsuporta sa House Bill No. 3891. Pangalagaan natin ang ating kalikasan at huwag tayong maakit sa pangako na malaking kikitain ng mga pamahalaang lokal mula sa pagmimina,” he said.

“Batid natin na mabigat ang laban na ito sapagkat malakas at makapangyarihan ang pro-mining lobby lalo na sa itaas. Tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang House Bill No. 3891. Subalit tayo ay naninindigan sa tama at iyon ay ang pagtatanggol at pangangalaga sa kalikasan ng Isla ng Mindoro,” he added.

Trending Topics - POLITIKO