gilc27.sg-host.com

Naujan Mayor Henry Joel Teves leads opening of ukay-ukay store

0

Naujan Mayor Henry Joel Teves has shown his support for a new business in his town.

Teves led the ribbon cutting for the One point One shop that sells ukay-ukay or imported clothes from Korea, Japan, the United States, and Hong Kong.

The store sells beauty products as well.

Its owner, Angel Allysa Buenviaje, was a dancer for the Teves family during the campaign and said she admires the mayor, which was why she invited him to lead her store opening.

“RIBBON CUTTING NG ISANG TINDAHAN PINANGUNAHAN NG PUNUMBAYAN

Naimbitahan ang Punumbayan Henry Joel C. Teves sa opening ng One point One (1.1) na isang tindahan ng ukay-ukay sa barangay Barcenaga (katabi ng COMEHI) kanina, Setyembre 1 na pagmamay-ari ni Angel Allysa Buenviaje.

Pinangunahan ni Mayor Teves ang ribbon cutting ng nasabing tindahan ng mga imported na damit na galing pa sa iba’t-ibang bansa tulad ng Korea, Japan, USA at Hongkong. Ayon sa may-ari, mayroon silang mga branded at ang iba ay semi-branded ngunit dekalidad naman ang ganda at tibay ng mga ito. 20 pesos ang pinakamura at 250 naman ang pinakamahal sa kanilang paninda. Bukod dito ay mayroon din silang mga tinda na beauty products para naman sa mga mahihilig magpaganda. Dagdag pa niya, dati siyang dancer ng pamilya Teves noong panahon ng kampanya at malaki ang paghanga niya sa Punumbayan kaya ito ay kaniyang inimbitahan. Lubos din ang kaniyang pasasalamat sa pagdating nito. Samantala, kasabay naman ng ribbon cutting ay ang nakakaindak na tugtog ng MinSU brass band,” the Naujan public information unit posted.