Naujan Mayor Joel Teves will be working with Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor to find a solution to the flooding problem in the town.
The two officials met to discuss ways to address the perennial problem, according to the Naujan public information office.
They want long-term solutions, it said.
Dolor informed Teves that the provincial government would provide P2 million for the re-channeling of the rivers so that these would not cause flooding.
The two officials also agreed to meet with the Mayors of Calapan and Baco to craft a broader plan to address the problem.
Teves said he would stay on top of the issue.
He won’t rest until the flooding problem is resolved!
“MAYOR TEVES AT GOVERNOR BONZ, SANIB PWERSA PARA MASOLUSYUNAN ANG MALAWAKANG PAGBAHA SA ATING BAYAN
Upang tuluyang malunasan ang matagal ng problema sa malawakang pagbaha dito sa ating bayan, nakipagpulong si Mayor Joel C. Teves kina Governor Bonz A. Dolor, Provincial Administrator Hubert A. Dolor at Provincial Engineer Edielou Tejedo, kahapon, Agosto 2. Kasama naman ng Punumbayan sina Executive Assistant Jojo B. De Villa, Municipal Engineer Precy H. Olmos at mga Punong Barangay ng Distrito Otso (
. Sa ginawang pagpupulong ay mabusising tinalakay ng Gobernador at ng Punumbayan ang mga maaaring pangmatagalang lunas sa nangyayaring malawakang pagbaha hindi lamang sa ating bayan kundi sa iba pang mga karatig na lungsod/bayan.
Ayon sa Gobernador, magbibigay siya ng Dalawang (2) Milyon na pondo para sa rechanneling ng mga ilog ng sa ganoon ay hindi na ito maging sanhi pa ng pagbaha. Napagkasunduan naman na magkakaroon ng susunod pang malakihang pagpupulong na kasama ang Punong Lungsod ng Calapan at Punumbayan ng Baco para sa isang malaki at maayos na planong solusyon sa pagbaha na palagi nating nararanasan.
Ayon naman sa Punumbayan, patuloy niyang tututukan ito at hindi siya titigil hangga’t hindi nagkakaroon ng maayos at malinaw na solusyon ang malawakang pagbaha na nangyayari sa ating bayan tuwing panahon ng tag-ulan at may bagyo dahil ito ay isa sa sinumpaan niyang tungkulin para sa bayan at mamamayan ng Naujan,” the Naujan PIO said on Facebook.