bicol.politics.com.ph

Rep. Tallado hails panel approval of her bill creating Elderly Care and Nursing Complex

0

Camarines Norte Rep. Josie Tallado said that her bill seeking to establish an Elderly Care and Nursing Complex in the province has been approved at the committee level in the lower House.

“Masaya po tayong ibalita na aprubado na po sa Committee on Senior Citizens ang House Bill No. 5398 o ang aking panukalang batas na naglalayong magtayo ng Elderly Care and Nursing Complex sa Camarines Norte para tugunan ang mga pangangailangang medikal at pangangalaga sa ating mga nakakatanda,” said the lawmaker.

“Sa ating paglilibot po sa Unang Distrito pa lamang ay marami tayong nakilalang mga senior citizens na namumuhay na mag-isa at ang iba ay umaasa lamang sa tulong ng kamaganak na wala ding sapat na kakayanan para tugunan ang kanilang mga pangangailangan, she explained.

She said that the proposed law aims to provide elders a place to go that will cater to all their needs.

“Kadalasan sa ating mga nakakatanda lalo na yung mga namumuhay mag-isa ay hirap sa kanilang buhay dahil sa mga sakit, karamdaman at kakulangan sa pinansyal sa pang-araw araw nilang gastusin,” said Tallado.

“Ang ating pong adhikain ay magkaroon ng pormal na Elderly Care and Nursing Complex para naman may mapuntahan ang ating mga nakakatanda na kakalinga at tutugon sa kanilang pangangailangan lalo na iyong mga walang malapit na kamag-anak o may mga kamag-anak man ay may sapat lamang na kita para sa kanilang personal na gastusin,” she said.

Tallado also vowed to pursue the proposal until it is enacted into a law.

“Isa po ito sa panukalang batas na ating tututukan hanggang maging pormal na batas dahil karapatdapat po na tumanaw tayo ng pagmamahal sa ating mga nakakatanda na gumabay at umalalay sa atin noong panahon na tayo ay mga bata pa,” she said.