bicol.politics.com.ph

Rep. Tallado scores free medicines, vitamins from DOH

0 718

Camarines Norte Rep. Josie Tallado has secured another batch of free medicines and vitamins from the Department of Health.

“Sa pakikipagtulungan at masinsinang pakikipagugnayan sa Department of Health (DOH) partikular kay Secretary Francisco Duque III ay nakalikom na naman tayo ng mga libreng gamot, bitamina at maintenance medicines para sa ating mga kababayang sa Unang Distrito ng Camarines Norte,” said Tallado.

“Madali po tayong napapagbigyan ng DOH ng mga libreng gamot para sa ating mga kababayan dahil napatunayan na natin ang masinop na pamamahagi nito sa ating Distrito at alam nilang napupunta talaga sa mga nangangailangan,” she added.

The lawmaker said that the DOH Centra Office has never denied her request.

“Hindi po lahat ng mga Distrito na humihiling ay napagbibigyan kung kaya masaya tayo dahil sagana po tayo sa biyayang natatanggap,” said Tallado.

“Napick-up na po ng ating opisina ang mga gamot mula sa DOH Central Office at handa na rin po tayong makuha ang mga gamot mula sa DOH Region V Office sa Legaspi,” she added.

Some of the medicines include:
1. Metformin (500mg)
2. Amoxicillin (500mg)
3. Ascorbic Acid (100mg/5mL syrup
4. Amlodipine 5mg
5. Simvastatin 20mg
6. Mefenamic Acid (500mg)
7. Ciproflaxacin (500mg)
8. Paracetamol 500mg

“Ang mga libreng medisinang ito ay makakatulong upang pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan at sila ay makatipid sa gastusin sa mga gamot lalo na sa panahon ng pandemic,” she said.

According to the lawmaker, the medicines and vitamins cost more than P200,000.

“Ating ipamimigay ang mga nasabing gamot, partikular sa mga kababayan natin sa Unang Distrito, sa pamamagitan ng mga social servicers caravan at free medicine assistance programs na regular na ginagawa ng inyong lingkod bago pa man tayo magín Kongresista ng Unang Distrito” she said.