bicol.politics.com.ph

Mayor Marcos convenes Naujan’s COVID-19 task force to discuss rising cases

0 435

Naujan Mayor Mark Marcos has convened the Municipal Task Force on COVID-19 to discuss the rising cases of COVID-19 in the town.

“Dahil sa mga balitang kanyang natanggap hinggil sa mga kababayan nating nakakapasok/nakakapaglabas-masok sa pamamagitan ng pagpapatala bilang residente ng ibang lugar sa ating lalawigan na s’yang tinitingnan na isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bayan at upang makatulong sa kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan upang mahadlangan ang pagpasok ng DELTA Variant sa ating probinsya, agad na pinulong ng Punumbayan ang Municipal Task Force on COVID-19 upang masolusyunan ito,” the mayor’s office said

Marcos also directed the task force to probe thoroughly the reports.

“Inatasan din n’ya ang task force na magkaroon ng masusing imbestigasyon hinggil sa nabanggit na mga ilegal na pagpasok/paglabas-masok sa ating bayan at alamin kung sino ang mga kasabwat o tumutulong sa kanila upang mapanagot ang mga ito sa kanilang mga ginawang paglabag ngayong may pandemya,” said the Marcos’ office.

Marcos also appealed to Naujan residents to follow health protocols to protect one another from the danger of coronavirus disease.

“Aniya, maawa tayo sa ating mga Frontliners na mahigit isang (1) taon ng nakikipaglaban sa pandemyang virus. Marami na sa kanila ang mga nagkakasakit, patuloy na minumura at nilalait dahil sa paghihigpit pero ang lahat ng ito ay kanilang tinitiis upang masiguro lamang ang kaligtasan ng ating kalusugan,” said the mayor’s office.

“Higit sa lahat, anang Punumbayan, mahabag sana ang mga pasaway na ito sa mga kababayan nating nagkasakit at mga nangamatay ang iba dahil sa COVID-19 na ni hindi man lamang nakita sa huling hantungan ng kanilang mga kamag-anak,” it added.