bicol.politics.com.ph

Wish granted! OkSi Gov. Gadiano provides sewing machines to three beneficiaries

0 159

Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano granted the wish of three of his three constituents from Barangay Ibud to have sewing machines.

Gadiano attended an inauguration in Ibud where the three ladies gave letter to the governor containing their wishes.

“Masayang masaya ang tatlong ginang na sina Gng. Gina Pacheco, Gng. Carmelita Syquia, at Gng. Vivian Ramos na tumanggap ng tig- iisang makinang panahi bilang tugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Governor Ed Gadiano,” Gadiano’s office said.

“Kahapon, habang ang gobernador ay dumalo sa inauguration ng dalawang (2) Solar Drier sa Barangay Ibud, nagkaroon ng pagkakataon ang tatlong (3) ginang na makausap ang butihing gobernador at ipaalam na kung pwede silang makarequest ng makinang panahi, bitbit ang kapirasong papel na naglalaman ng kanilang kahilingan,” it added.

The three said that the sewing machines are of great help for their livelihood.

“Anila, kung sila ay napagkalooban ng makinang panahi, malaking tulong umano ito bilang pandagdag kabuhayan ng kanilang pamilya.
Mabilis namang inaprubahan ni Gob Ed ang kanilang kahilingan, at hindi nila sukat akalain na nong araw ding yun ay maihahatid agad sa kanila ang tatlong makina,” said Gadiano’s office.

“Kaya naman walang pagsidlan ang kanilang tuwa at pasasalamat nila sa gobernador sa agarang pagkakaloob sa kanila ng kanilang kahilingan,” it added.

The sewing machines were turned over by Executive Assistant PMAJ Clarinda A. Lorenzo (Ret.) and Barangay Captain Virgilio Baoan.