bicol.politics.com.ph

Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte claims politics behind protests vs kapitolyo project

0 225

Politics is delaying the construction of province’s new capitol building, Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte lamented.

Villafuerte took to Facebook to respond to protests about the project in the province.

According to him, the people behind the protests were the same ones who made trouble for the construction of an airport in Pili, which has since been delayed.

He said the accusations against the projects were just politicking from those who lost in the previous election.

He said the provincial government had paid the owners for the land to be used for the project and also had discussions with the farmer-tenants. who would be relocated and given new homes and assistance.

The province clearly owns the land based on the writ of possession, he added.

The writ cannot be overturned by creating trouble and challenging people to fistfights, and there are legal remedies they could resort to if they want to challenge it, he further said.

Any battle should be in the courts, not in the streets!

“May bagong airport na dapat ang Camarines Sur sa Bayan ng Pili pero pinulitika at ginulo ng iilan. Ang resulta, delayed at pending ang proyekto.

Pinamunuan po ang rally kanina sa gagawing Kapitolyo ng mga taong namuno rin sa pakikituligsa sa bagong airport na dapat ay itatayo sa Pili. Ang lahat po ng paratang ng mga talunan sa eleksyon na namuno sa rally ay pawang paninirang pulitikal at pananamantala sa damdamin ng mga taga Camarines Sur.

Bilang paglilinaw, nais ko lang pong ipaalam sa lahat na ang Gobyerno Probinsyal ay maayos na nakipag-usap at nagbayad sa mga nagmamay-ari ng lupa at maayos na nakikipag-usap sa mga tenant na magsasaka. Compensated po ang land owners. Ang mga naninirahan at nagsasaka dito, kahit hindi sa kanila nakapangalan ang lupa, ay irerelocate din at bibigyan ng malilipatang bahay at ayuda.

Malinaw na ang probinsya ang may-ari ng lupa na tatayuan ng proyektong ito basado sa Writ of Possession mula sa korte. Dumaan tayo sa tamang proseso.

Hindi po nababaliktad ang Writ of Possession sa panggugulo at paghahamon ng suntukan. Kung may gustong magreklamo, padaanin sa tamang legal remedies at hindi sa pananakit at pananakot. Sana po ay maging ehemplo tayo ng maayos na lideratura na maaaring pamarisan ng ating kababayan, imbes na kasanayan ang paghahamon ng suntukan, paghuhubad o ano pa mang purong akto ng panggugulo lamang.

P.S.

Pasensya na po sa mga byahero kanina at grabe po ang naging traffic sa highway. Ito po ay dahil nagburlesque show po sa gitna ng daan ang mayor ng Pili. Sinabihan naman po sya na sana sa gilid nalang ng highway pero nagpumilit na sa gitna daw talaga,” Villafuerte posted.