bicol.politics.com.ph

CamSur Gov. Villafuerte blames politics for delay of airport project in Pili

0 67

Camarines Sur Governor Miguel Villafuerte blamed politics for the delay of the airport project in Pili.

“May bagong airport na dapat ang Camarines Sur sa Bayan ng Pili pero pinulitika at ginulo ng iilan. Ang resulta, delayed at pending ang proyekto,” said the Governor.

“Pinamunuan po ang rally kanina sa gagawing Kapitolyo ng mga taong namuno rin sa pakikituligsa sa bagong airport na dapat ay itatayo sa Pili. Ang lahat po ng paratang ng mga talunan sa eleksyon na namuno sa rally ay pawang paninirang pulitikal at pananamantala sa damdamin ng mga taga Camarines Sur,” he added.

Villafuerte said that the provincial governor talked to the landowners and bought their properties at a fair price.

“Bilang paglilinaw, nais ko lang pong ipaalam sa lahat na ang Gobyerno Probinsyal ay maayos na nakipag-usap at nagbayad sa mga nagmamay-ari ng lupa at maayos na nakikipag-usap sa mga tenant na magsasaka. Compensated po ang land owners,” he said.

“Ang mga naninirahan at nagsasaka dito, kahit hindi sa kanila nakapangalan ang lupa, ay irerelocate din at bibigyan ng malilipatang bahay at ayuda,” he added.

The governor said that the Capitol went through the proper process anad secured a writ of possession.

“Hindi po nababaliktad ang Writ of Possession sa panggugulo at paghahamon ng suntukan. Kung may gustong magreklamo, padaanin sa tamang legal remedies at hindi sa pananakit at pananakot,” said Villafuerte.

“Sana po ay maging ehemplo tayo ng maayos na lideratura na maaaring pamarisan ng ating kababayan, imbes na kasanayan ang paghahamon ng suntukan, paghuhubad o ano pa mang purong akto ng panggugulo lamang,” he added.🤦🏽‍♂️