bicol.politics.com.ph

Palawan Rep. Alvarez files bill seeking to protect marginal fishermen

0

Palawan Rep. Franz Chicoy Alvarez has filed a bill seeking to protect small fishermen.

“Nakarating po sa atin na may concern na umiiral matapos maiulat na may nagsusulong na papasukin ang mga commercial fishing vessels sa loob ng kinse kilometrong municipal waters,” Alvarez said.

“Sobrang dehado na po ang mga marginal fisherfolks natin lalo dito sa Palawan. Dehadong dehado na po sa mga galing labas tapos inaagawan pa ng huli sa loob ng municipal waters,” he added.

Alvarez said that big commercial vessels have a lot of complement unlike small fishermen.

“At least ang malalaking banka po ay maraming pahinante. Kaya po nila ng malayuan at matagalang biyahe. Mayayanan din po ang mga kapitalista nila minsan nga may gawaan pa ng sardinas ang financier” said the lawmaker.

“Kaya niyan sila makipagsapalaran sa West Philippine Sea at doon manghuli. Pero dito po sa loob, hayaan na natin ang mga maliliit lalo na yung mga walang alternative na livelihood at nawalan ng kita dahil sa pandemic,” ge added.

Alvarez filed House Bill No. 9217 which seeks to increase by 10 kilometers the buffer zone the current 15 kilometer municipal waters under the Philippine Fisheries Code.

“Panukala po natin na limitahan din sa eksklusibong paggamit ang kinse kilometrong municipal waters para lamang sa hindi lalampas sa 3 gross tons na mga banka na kalimitang gamit po ng mga kababayan natin na mga taga aplaya,” said Alvarez.

“Kung maipapasa po ito, hindi na makapapasok pa sa loob ng sampung kilometrong buffer zone na nasa labas ng municipal waters ang lahat ng commercial fishing vessel o may higit sa 3 gross tons na bigat,” he added.

“Bukas po ang office natin sa mga samahan ng fisherfolks kung may nais pa po silang ipadagdag para sa kanilang kapakanan at proteksyon o kahit po anong tulong ang pwede nating maibigay,” he added.