bicol.politics.com.ph

Rep. Umali on holiday season: It’s the thought that counts

0

Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr said that there are more than one way to express your appreciation to your loved ones this Yuletide season, but at the end of the day, it’s the thought that counts.

“Mayroong iba’t-ibang uri ng regalo. Depende sa kung sino ang iyong hahandugan at kung gaano kahalaga para sa iyo ang iyong pagbibigyan,” the lawmaker said.

“Iba’t-iba kasi ang kagalakan ng bawat isa. May ilan na nagnanais makatanggap ng mararangyang bagay bilang regalo, mayroon din namang nagagalak na sa simpleng aginaldo. May iba namang hindi nagnanais ng anumang materyal na bagay,” he said.

“Sapat na ang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay at makapiling ang mga taong malalapit sa kanila,” he continued.

Umali said that whatever your way of expressing love this holiday season, what is important is we remember those special to us.

“Minsan, sa kagustuhan nating mapasaya at masurpresa ang ating mga mahal sa buhay, hindi tayo mapakali sa kakaisip kung ano ba ang mga bagay na magpapangiti sa kanila. Kahit na gaano mo kakilala ang iyong pagbibigyan, napapaisip pa din tayo kung ano ba ang mga bagay na wala sila na nais nating mapunan. Mayroon namang iba na hindi na nagbibigay ng regalo, bakit? — Dahil sa social media. Babati na lang at magchachat ay ayos na. Hindi tayo eksperto diyan,” he saidm

“Anu’t- ano man ang paraan natin para mapasaya ang iba, ang importante ay naalala natin sila. Hindi rin naman kinakailangang bumili ng regalo, minsan ay bigyan mo lamang ng simpleng yakap at pagbati ang taong mahalaga sa iyo ay sapat na. (Na hindi pa natin pwedeng gawin ngayon dahil sa pandemya),” he added.

As early as now, Umali also greeted his kababayans a meaningful Christmas season.

“Sa simpleng pagbati o pagkilala sa mga taong nagpakita ng kabutihan sa atin ay malaking bagay na. I-reach out natin sila, kamustahin ang kanilang kalagayan, makipagkwentuhan at higit sa lahat, magpasalamat sa naging ambag nila sa ating buhay,” he said.

“Ngayon pa lamang ay binabati ko na po kayong lahat aking mga kababayan ng Maligayang Pasko. Tayo po’y magpasalamat sa buhay na ibinigay ng Poong Maykapal at mamasko sa kanya ng dagdag na regalo — kapayapaan, mabuting kalusugan, at kaligtasan,” he added.