bicol.politics.com.ph

19 detainees in Calapan test positive for COVID 19, says Mayor Arnan Panaligan

0

Calapan Mayor Arnan Panaligan reported 27 new COVID 19 cases in the city, but he asked his constituents not to worry too much.

In a Facebook post, Panaligan said 19 of the new cases consisted of inmates at the Oriental Mindoro Provincial Jail.

The eight others were from Calapan City.

The mayor said that despite the high number of new cases, many of them were in jail, meaning they had no contact with people from the outside world as visitors are still prohibited.

He said he would coordinate with the provincial governor to ask him to change the system in the jail to protect inmates from contracting the virus.

But he still appealed to people to be careful and make sure they follow health protocols.

He asked them to check themselves for symptoms and consult a doctor if necessary.

Let’s do our part to keep the numbers down!

“Latest update: As of 9:00 pm, September 4, 2020, bagong dating na resulta. May dalawampu’t pito (27) na bagong positive Covid-19 cases na nagpataas sa bilang ng mga aktibong kumpirmadong kaso sa ating lungsod lalo na at kasama dito ang isang malaking cluster o grupo ng nga preso sa Oriental Mindoro Provincial Jail:

– Labing siyam (19) na preso sa Oriental Mindoro Provincial Jail (OMPJ). Sa bilang na ito, walo (8) lamang ang taga Calapan City at ang karamihan ay taga ibang bayan subalit itatala sila bilang kaso ng Calapan City dahil andito ang jail. Ang 19 na preso na ito ay kasalukuyang inililipat sa bagong Provincial Jail sa bayan ng Bansud. Sila ay na swab noong August 25, 2020 at sa RITM na examine ang mga specimen.
– Isang (1) 61 taong gulang na lalaki, taga Bgy. Pachoca, contact ng kanyang asawa na naunang nag positive subalit recovered na.
-Isang (1) 71 taong gulang na babae, taga Bgy. Ibaba East, naka confine sa isang ospital sa lungsod.
-Anim (6) na contacts at kasama sa bahay ng isang matandang babae na naunang nagpositive at pumanaw ngayong araw na ito, mga taga Bgy. Silonay. Matagal ng naka isolate ang anim na ito noon pang nag positive ang matandang babae.

Bagamat madami ang nagpositive sa Covid-19 ngayong araw na ito, ang malaking bilang ay nasa loob ng Provincial Jail na walang contact sa labas at sa ating pagkakaalam ay hindi na pinayagan ang dalaw sa grupong ito simula ng ma-expose sila sa mga naunang nag positive na preso. Tayo ay makikipag-ugnayan sa Office of the Provincial Governor upang hilingin ang pagsasagawa ng mga kaukulang pagbabago ng sistema sa loob ng Provincial Jail upang matiyak ang kaligtasan ng mga preso at maiwasan ang transmission ng Covid-19 sa loob ng jail lalo na at sa Calapan City itatala ang lahat ng magiging Covid-19 cases sa loob ng Provincial Jail.

Gawin natin ang lahat ng ibayong pag-iingat. Iwasan muna ang pakikisalamuha sa marami, pagdalo sa mga handaan, inuman at iba pang okasyon. Lumabas ng bahay kung may importanteng dahilan lamang. Magsuot lagi ng face mask, maghugas at mag disinfect ng mga kamay at mag-obserba ng physical distancing. Huwag ding basta balewalain ang sipon, ubo o lagnat. Sa ganyang mga pagkakataon, mas mainam na kumunsulta na agad sa duktor,” Panaligan posted.