bicol.politics.com.ph

Ako Bicol solons visit Green Lava in Mi-isi, Daraga

0

Ako Bicol Reps. Alfredo Garbin and Zaldy Co has recently paid a visit to the Green Lava in Mi-isi in Daraga, Albay, a new tourist spot in the province,

“Patok na patok sa social media ang Green Lava sa Mi-isi, Daraga, Albay na ngayo’y bagong pasyalan ng mga taga Albay at karatig lalawigan,” said the Ako Bicol partylist.

“Sa naturang lugar, tanaw at mistulang abot-kamay na ang tuktok ng perpektong Mayon Volcano. Makikita rin dito ang makukulay na bulaklak at luntiang halaman sa paanan ng bulkan,” it added.

Rep. Co and Rep. Garbin served as the “endorsers” of the new tourist spot which has so far drawn the attraction of many people because of its beauty.

“Ang Green Lava ay isang pangunahing atraksyon na umaakit sa mga turistang mamasyal, langhapin ang sariwang hangin, at masdan ang kahanga-hangang bulkang Mayon habang napapaligiran ng mga bulaklak,” said the partylist.

“Kamakailan, pumasyal sina Congressman Zaldy at Pido Garbin sakay ng kanilang mga bisikleta upang ikutin ang Green Lava. Bukas sa publiko ang lugar at maaari ninyong pasyalan kasama ang pamilya’t kaibigan. Pinapaalala lamang sa lahat na mag-ingat at sundin ang health protocols na pinatutupad ng pamahalaan,” it added.

“Ang Green Lava sa paanan ng Mayon ay likas yaman mula sa Panginoon. Karapat-dapat lamang na ito’y ating pagyamanin at ingatan,” it also said.