bicol.politics.com.ph

Rep. Tallado says modern National Child Development Center to be built in CamNorte

0

Camarines Norte Rep. Josie Tallado announced that a modern National Child Development Center (NCDC) will be constructed in the first district of the province.

“Sa pakikipagtulungan ng Early Childhood Care and Development Council or ECCD ay maisasakatuparan ng inyong lingkod… ang pagpapatayo ng makabagong National Child Development Center (NCDC) sa Unang Distrito particular sa Santa Elena na isa sa pinakamalayong bayan sa Camarines Norte,” Tallado said.

“Masaya ako sapagkat tinugon ni ECCD Executive Director, Dr. Teresita G. Inciong ang ating request na sa aking termino ay makapagsimula ang ECCD na magpatayo ng NCDC o isang makabago at state of the art na Day Care Center sa ating Distrito,” she said.

The CamNorte solon also thanked the center for granting her request despite their budgetary constraints.

“Bagamat limitado ang kanilang pondo ay napagbigyan tayo na magkaroon ng ganitong struktura at masaya nilang ibinalita na tayo ay isa lamang sa mga iilan na napagbigyan na matayuan ng NCDC para sa taon na ito dahil mabilis nating nakumpleto lahat ng requirement sa pakikipagtulungan na rin ng opisina ni Mayora Dina Borja,” said Tallado/

“Noong nakaraang linggo lamang ay isinagawa ang orientation ng ECCD sa pangunguna ni Assistant Executive Director Rommel Isip ng ECCD ang orientation sa LGU Santa Elena na dinaluhan din ng aking opisina upang maumpisahan na ang proyekto sa lalong madaling panahon. Sa pagtatantya ay maidedeposito na ang halagang kinakailangan para maipatayo ang building na kailangang matapos within 210 days para magamit kaagad,” she added.

Tallado said that the the NCDC could be compared to a montessori school in National Capital Region.

“Ang NCDC ay totoong moderno at maikukumpara sa mga makabagong Montessori school sa Metro Manila at ito ay maglalaman ng lahat na kakailanganin ng ating mga batang papasok at talagang maipagmamalaki ng Santa Elena at ng ating Distrito. Ang magiging itsura ng istruktura ay nasa mga larawan na nakalakip dito,” she said.

“Humiling din tayo na mabigyan ang lahat ng bayan sa Unang Distrito ng Camarines Norte ng NCDC at sisikapin natin na mabigyan ito ng katuparan,” she added.