Palawan’s Peace & Order Council tackles child protection program amids pandemic

POLITIKO - The bible of Philippine Politics.
The Palawan’s Peace & Order Council Meeting has zeroed in on the child protection program amid the coronavirus disease 2019 pandemic.
“Isa sa mga pangunahing tinututukan ngayon ng mga awtoridad sa lalawigan ay ang pagpapalawig ng Child Protection Program lalo na ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19,” the Capitol said.
The Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) is now preparing for the “information advocacy” regarding child protection in Palawan
“Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña, marapat lamang umano na malaman at maunawaan ng bawat bata at mga kabataan ang kanilang mga karapatan gayundin na maiparating sa mga magulang ang kanilang obligasyon na bantayan at gabayan nang maayos ang kanilang mga anak upang maiwasan ang anumang uri ng pang-aabuso na maaaring pisikal o sa on-line o cyber violence,” said the Capitol
“Samantala, batay naman sa datos na iprinisinta sa nabanggit na pagpupulong mula sa National Baseline Study on Violence Against Children noong taong 2016, 43.8% ng mga bata na may edad 13-18 ay nakaranas ng cyber violence kung saan 1 sa kada 5 bata na may edad 18 pababa ay nakaranas ng sekswal na karahasan,” it added.
The Council also noted that because of the quarantine, it may also cause the increase of sexual exploitation of children.
“Ilan sa mga tinitingnang factors nito ay dahil ang mga biktima ay maaaring trapped sa bahay kasama ng mga abusers, kawalan ng mga access sa mga help channels tulad ng mga guro at school guidance counselor at dahil maaari ring nasa survival mode ang pamilya kung kaya’t maaaring mailagay sa mababang prayoridad ang proteksiyon para sa mga bata,” said the Capitol.
“Malaking factor rin na mamulat sa karahasan ang mga bata dahil marami ang nagbababad ng oras sa mga gadgets na kung saan ay posible rin silang makaranas ng hindi kanais-nais na mga pangyayari online,” it added.