bicol.politics.com.ph

Rep. Sato lays down steps to bring assistance to OkSi residents

0

Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato has called on for a meeting to tackle actions to be taken in order to bring assistance and relief to the residents of the province.

“Pinatawag ko po ang pulong na ito upang siguruhin ang mabilis at maayos na paghahatid ng mga tulong na itinakda ng batas na ito para sa mga kababayan natin dito sa OkSi,” Sato said.

The meeting was also spearheadedby the provincial point persons Shiela Sarabia from the DSWD, Carl Villaflores from the DOLE and Gerry Laredo from the DA.

The said officials have agreed to the following:

1. Kailangang bigyan ng tulong at suporta ang pinaka-malawak na hanay ng mamamayan ng OkSi, lalo na ang mga ka-mangyan nating mahihirap at nawalan ng hanap buhay dahil sa COVID-19 crisis;

2. Upang maiwasan na madoble ang listahan ng mga benepisyaryo, nagsumite ng listahan ang 3 ahensha ng mga benepisyaryo ng kanilang programa. Halimbawa 4Ps sa DSWD at TUPAD sa DOLE;

3. Ang listahang ito ang magiging batayan ng mga Municipal Mayors ng magiging benepisyaryo sa kanilang bayan. Titiyakin nating walang duplication na magaganap at walang ding maiiwan sa listahan;

4. Ang mga Provincial Director ng DOLE, DSWD at DA ay magsasagawa din ng orientation bawat bayan upang ihanda at gabayan ang mga Mayors at local officials sa maayos na roll-out sa buong OkSi ng Bayanihan to Heal as One Act; and

5. Ang pagbibigay ng tulong ay gagawin alinsunod sa pamantayan ng IATF sa Luzon-wide Enhanced Community Quarantine upang matiyak ang social distancing at maging maayos at ligtas ang bawat isa.

Rep. Sato also urged the OkSi residents to cooperate amid these trying times.

“Umaasa po kami sa inyong pakiki-isa at lubos na suporta para kagyat na makarating ang tulong na kailangang-kailangan ng ating mga kababayan sa OkSi. Muli po ang aming pakiusap at paalala, manatili po tayo sa ating mga tahanan, para po ito sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay,” he said.