bicol.politics.com.ph

Palawan Capitol fetes 4 employees who were recognized by DSWD-Mimaropa

0 152

Four Palawan Capitol employees were recognized by the Social Welfare and Development (DSWD)-MIMAROPA during the 2019 Supplementary Feeding Program (SFP) Stakeholder’s Conference and Awarding Ceremony.

The awarding ceremony was held last October 16 in City of Manila.

“Ang mga tumanggap ng pagkilala bilang Child Welfare and Nutrition Ambassadors ay sina Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña, Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) Rachel Paladan, Youth Development Officer Odessa Del Mundo at Social Welfare Officer (SWO) Lucita Padul ng PSWDO,” the province said

“Ayon sa DSWD-MIMAROPA, ang naturang parangal ay bahagi ng kanilang programa na naglalayong mabigyang pugay ang mga pangunahing tagapaghatid ng serbiyong pangkalusugan at pangkaunlaran sa mga barangay gayundin ang pagpapaigting sa programa ng Supplementary Feeding Program sa ilalim ng DSWD,” it added

The four employees received certificate of recognition and medal.

“Nagpapasalamat tayo sa DSWD dahil na-aapreciate nila ‘yong ginagawa natin sa mga munisipyo lalo na sa child development services. Sa pamamagitan nito ay mas lalo pa nating pag-iigihin ang ating trabaho para sa ating mga kababayan,” SWO Lucita Padul was quoted as saying.

Aside from them, several employees of local governments in Palawan also got recognition as Top Performing Child Development Worker.

“Sila ay kinabibilangan nina Gng. Rosemarie Cachuela mula sa bayan ng Brooke’s Point, Gng. Leah Burlaos ng Narra gayundin ang mga kawani mula sa munisipyo ng Sofronio Española na sina G. Leonil Valencia, Bb. Merla Gregas, Bb. Jocelyn Catubuan, Bb. Luzviminda Cordova, Bb. Jessica Florido, Bb. Robelyn Favila at Bb. Renalyn Modong,” the province sais.

“Binigyang pagkilala rin ang mga munisipyo ng Magsaysay at Taytay bilang mahuhusay na pamahalaang lokal sa buong rehiyon dahil nakumpleto nito ang 120 araw na supplementary feeding program para sa mga bata na pumapasok sa Day Care Centers,” it added.