Camarines Norte Rep. Josie Tallado wants to kick start the interest of her province’s youth.
Tallado, in a Facebook post, said she noticed that the fewer and fewer young people of Camarines Norte were getting into physical sports and were more focused on electronic games.
To remedy the situation, she got in touch with the Philippine Sports Commission to ask for equipment for basketball, volleyball, and football that the youth in her district could use.
These are needed to get people flocking to the gyms and covered courts in the province, she added.
With a revitalized sports program, Camarines Norte might just produce the next sports sensations from the Philippines!
“PROGRAMANG PANG SPORTS NI CONG. JOSIE
Sa pakikipagugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC), napagbigyan ang ating hiling na bigyan ang Unang Distrito ng Camarines Norte ng mga gamit pang sports kagaya ng Basketball, Volleyball at Football na magagamit ng ating mga kabataan sa kanilang paglalaro at pakikipagpalakasan.
Sa panahon ngayon ay napansin ko na mas kumokonti ang mga kabataan nating naglalaro ng physical sports at ang iba ay mas nagpopokus sa mga mobile games o electronic gadget.
Bagamat marami nang naitayong mga gymnasium or basketball courts or lugar palaruan ang ating Gob. Egay, kailangan natin itong susugan ng karagdagang gamit pang sports na magagamit ng ating mga kabataan.
Kinausap natin ang tangapan ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez upang tulungan tayo sa ating proyekto na makapagbigay ng mga sports equipment sa kabataan ng unang distrito.
Hindi rin nagdalawang isip si Chairman Ramirez at inaprubahan ang ating request dahil nakita nya ang sinseridad ng ating layunin na muling itaguyod ang sports sa mga kabataan at nang hindi sila masyado magpokus sa mga mobile games at gadget.
Pangarap natin na ang mga hinahangaang manlalaro sa bansa ay manggaling sa ating probinsya.
Ang mga sports equipment ay isa lamang sa ating nirequest sa ibat-ibang ahensya ng ating pamahalaan, ang mga pangangailangan edukasyon, gamot, medikal, trabaho, impratruktura at iba pang benepisyo ay atin ding ni-request para may dagdag na ayuda sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po at mahal ko po kayo,” Tallado posted.