bicol.politics.com.ph

Rep. Umali hits ‘losers,’ ‘desperate’ people behind smear campaign vs his family

0

Oriental Mindoro gubernatorial candidate Reynaldo V. Umali took a swipe anew against the people behind a “smear campaign” against his family.

Umali said that these are the acts of “losers”, “desperate” and “afraid.

The incumbent solon said that he will just let his track record speak for himself and what kind of leader he is.

“HAYAAN NIYONG MAGSALITA ANG AKING MGA NAGAWA Hinggil sa kumakalat na ‘smear campaign’ laban sa mga Umali. Tunay ngang panahon na naman ng eleksyon at nagkalat na naman ang panibagong serye ng mga paninira laban sa akin at sa mga kasangga ko sa pagtakbo bilang mga lingkod bayan ng lalawigan,” Umali said.

“Ang pagpapakalat ng mga ganitong ‘smear campaign’ ay sadyang pag-aaksaya ng pera’t panahon at isang gawain na gagawin lamang ng mga DESPERADO, KINAKABAHAN AT TALUNAN,” he said.

Umali said that he lived long enough to know that his political rivals are behind these campaigns.

:Sanay na ako sa mga ganitong kalakaran ng aking mga kalaban sa pulitika ngunit dahil na rin sa ehemplong ipinakita ng aking ama at dating Governor Ponching Umali, ni kailanman ay di ko naisip na maglabas ng kahit anong ikakasira ng aking mga kalaban,” he said.

Meanwhile, Umali just dropped a ling list of his achievements as a public officials, which include:

1. Ang pagpapagawa ng maayos at matitibay na mga daanan at tulay tulad ng Bagong Sikat Road sa Bulalacao, ang Lisap Bridge sa Bongabong, at San Aquilino Road sa Roxas ay PAWANG MGA PROYEKTONG PARA SA MAMAMAYAN at patuloy nilang napapakinabangan sa mga oras na ito. Hindi ito magiging possible kung hindi natin iginiit sa kongreso na magkaroon ng pondo at mapaaayos ang ating mga kalsada para sa mas mabilis at maayos na transportasyon at pag-unlad sa segunda distrito.

2. Ang Sitio Electrification ang centerpiece ng UMALIWANAG program na naghatid at patuloy na naghahatid ng ilaw at kuryente sa mga tahanan sa malalayong sityo at pamayanan sa Oriental Mindoro. Libu-libo nang mga magsasaka at mga kapatid nating Mangyan ang nabiyayayaan ng libreng elektripikasyon dahil sa UMALIWANAG program. Sa katunayan, noong 2012 ay nasa 25% lamang ang mga sityo na may kuryente sa buong lalawigan. Ngunit ngayon ay nasa higit 97% na ang ENERGIZED SITIOS sa buong Oriental Mindoro.

3. Matagumpay nating naipasok ang 100% ng municipalities sa Oriental Mindoro sa ilalim ng 4Ps Program kung saan 60,000 household beneficiaries na “poorest of the poor” ang nakikinabang sa kasalukuyan. Kahit ang Calapan na di kwalipikado sa panuntunan ng DSWD ay naisama at may libreng Philhealth Card pa!

4. Isa po ako sa nagsulong ng pagsasabatas ng FREE EDUCATION ACT upang libreng makapasok at makapag-aral ang mga mag-aaral sa lahat ng antas – hanggang kolehiyo! Hindi lamang po mga Mindorenyo ang nakikinabang dito, ngunit lahat ng kabataan sa buong bansa.

5. Ako rin po ang isa sa mga nanguna sa pagsusulong ng National School Feeding Program na isa nang ganap na batas ngayon na naglalayong magbigay ng libreng pagkain para sa mga batang mag-aaral sa kinder at daycare centers. Kahit hindi pa ito batas, ginagawa ko na po ito sa Segunda Distrito sa ilalim ng Milk Feeding Program na nagbibigay ng libreng gatas sa mga bata, kababaihan at matatanda. Ang gatas namang pinapamahagi ay mula sa produktong nililikha ng ating mga magsasakang nabiyayaan din natin ng mga Gatasang Kalabaw at Baka.

6. Patunay sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Segunda Distrito ay ang pagpasok ng mga investors tulad ng Jollibee at McDonalds. Ang Segunda Distrito ay wala pang syudad ngunit may dalawang bayan nang mayroong Jollibee (Roxas at Pinamalayan) at pinag-aaralan na rin nilang magtayo ng bagong branch sa Bulalacao. May mga lugar na rin napupusuang magtayo ng bagong branch ng McDonalds sa segunda distrito. Hindi papasok ang mga investors na ito kung walang kakayahan ang mga mamamayang tangkilikin ang kanilang mga produkto. Patunay itong umuunlad ang antas ng kabuhayan ng mga Mindorenyo sa Segunda Distrito.

Umali said that these are just some of the programs he initiated for the development of Oriental Mindoro.

“Sila kaya, anong nagawa? Sinasabi nilang ako raw ay may bahid ng katiwalian ngunit ang sagot ko dito – kung ako ay isang kawatan, siguro may helicopter na ako ngayon (sino kayang meron?) at siguro ay napakataas na ng bakod sa aking tahanan sa halip na mga barbed wire lang (sino kayang ganun?),” he said.

Umali is serving his last term as congressman and now seeking to replace his brother Alfonso Umali Jr. as Oriental Mindoro’s governor.