bicol.politics.com.ph

Palawan provincial board OKs resolution granting scholarships to PSU law students

0 760

The Palawan provincial board had passed a resolution granting scholarships to students taking up law in Palawan State University.

“Nakasaad sa naturang resolusyon na inakda ni Board Member Leoncio N. Ola na ang Pamahalaang Panlalawigan ang sasagot ng sampung libong piso (P10,000) sa matrikula ng iskolar na mapapabilang sa programa bawat semestre,” the Palawan province said.

The resolution states that those who are taking up law already have their bachelor’s degree.

“At dahil dito ay hindi na sila napabilang sa libreng matrikula ayon sa Republic Act 10931 na kilala bilang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” na naglalaan lamang ng libreng matrikula sa mga Pilipinong nag-aaral sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) na kumukuha ng bachelor’s degree, certificate degree, o kahit anong undergraduate degree,” the province said.

The provincial government also said that they want to extend help to deserving law students the way they help medicine students in PSU.

“Sa kasalukuyan, bukod sa scholarship na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Palaweñong kumukuha ng kursong medisina ay nais din ng Sangguniang Panlalawigan na makatulong sa mga nag-aaral ng abogasya sa PSU sa pamamagitan ng resolusyong ito,” said the province.

“Ang pag-aaral ng batas ay isa sa mga kursong nangangailangan ng malaking halaga ng salapi at ang mga nakapagtapos ng Bachelor of Laws ay may mahalagang gampanin sa ating lipunan kung kaya’t nais ng Sangguniang Panlalawigan na sa pamamagitan ng programang ito ay mas maitataguyod ang hustisya sa buong probinsiya at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Palaweño,” it added.