bicol.politics.com.ph

Robin Padilla’s ‘kuwentong barbero’ will give you the feels

0

Camarines Norte native Robin Padilla’s barbershop scene upload on Instagram is for a very special “barbero” in the actor’s life.

In his very lengthy post, Padilla said this friendly neighborhood barber filled his young mind with amazing stories and inspired him to be many things. Too bad he didn’t get his real name.

“Naging malaking impact sa buhay totoy ko ang barberong yun na kilala sa pangalan na Manong sayang hindi ko lamang nakuha ang tunay niyan pangalan. Napakaraming pangarap ko sa buhay ko ang nabuo dahil sa mga kuwento niya,” the action star wrote.

“Ang larawan na ito ay tribute ko sa kanya at dasal ko Insha Allah ay magkaroon uli ng mga barber shop sa lahat ng sulok sa Pilipinas na ang customer ay yun mga mahihirap at kulang sa kakayahan na mag aral ng kasaysayan at ang mga barbero ay yun mga tunay na historian na hindi pangalan at kasikatan ang habol kundi karangalan ng ating lahi..0ne day soon,” added Padilla.

We also want to meet a cool haircutter like that.

Naging Criminology graduate ako pagkatapos ko nakulong dahil ginusto ko magpulis pero hindi na ako nag board exam kasi lagpas na raw ako sa age limit pinilit ako mag law ng mga professor ko lalo na si mam galindez pero naiba na ang linya ng aking diwa sapagkat namulat ako sa napakalaking anomalya sa batas. Madaling salita nawalan ako ng gana, Nakakatakot kasi ang batas kapag pinaiiral ng mga taong ginagamit ito para sa sarili nilang interes, nawala na yong ang batas ay pantay pantay!! Naku lalo na yun ang batas ay para proteksyon ng mga walang kapangyarihan lalo ng mga mahihirap at mahihina. Sa maikling kuwento dinala ako ng aking bagong diwa sa pagsasaliksik sa kasaysayan ng Aking lahi at ng Inangbayan dahil sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga katanungan ko patungkol sa batas na nagkabutas butas… naging napakaganda ng aking paglalakbay hanggang sa maikot ko ang apat na sulok ng daigdig Alhamdulillah hindi sapat ang instagram at Fb sa pagpapalaganap ng aking mga natutuhan dahil hindi rin naman lahat ng kabataan ay mayroon kakayahan na makabili ng celphone o PC kayat naisipan ko magtayo ng barber shop at maging barbero natatandaan ko kasi noong akoy totoy pa palagian akong nakastandby sa barber shop sa kanto ng morong sa banawe street para makapakinig sa mga kuwento ng matandang barbero patungkol sa world war 2 madalas ay napapalo na ako ng aking ina dahil ginagabi ako sa pakikinig ng kuwento niya katunayan tuwing linggo nagtutuli din siya sa north cemetery hindi nga lang ako pinayagan ng aking ina na sa kanya magpatuli kasi may mga doktor naman daw sa pamilya. Naging malaking impact sa buhay totoy ko ang barberong yun na kilala sa pangalan na Manong sayang hindi ko lamang nakuha ang tunay niyan pangalan. Napakaraming pangarap ko sa buhay ko ang nabuo dahil sa mga kuwento niya. Ang larawan na ito ay tribute ko sa kanya at dasal ko Insha Allah ay magkaroon uli ng mga barber shop sa lahat ng sulok sa Pilipinas na ang customer ay yun mga mahihirap at kulang sa kakayahan na mag aral ng kasaysayan at ang mga barbero ay yun mga tunay na historian na hindi pangalan at kasikatan ang habol kundi karangalan ng ating lahi..0ne day soon

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on