Thursday, October 19, 2017
politiko-politics-ph-logo

Florante Rosales: #Shabu-Shabu pa more!

Aug 2, 2017 @ 17:28

Walang personalan, trabaho lang.

Hindi ba kayo kinikilabutan na kung nakalabas sa merkado ang 604-kilos ng shabu ay mas marami na namang adik o mga “walking dead” sa Pinas.

Nagpapasalamat tayo dahil nabuking ang kontrabando na halagang 6.5-B pesos nang itimbre ito ng Chinese authorities sa Bureau of Customs.

Hindi tinanggal ni Pangulong Duterte si Comm. Faeldon dahil sa patuloy raw ang “trust and confidence” nya sa trabaho ng Customs official.

Malinaw naman ang sinabi ni Sen. Tito Sotto III matapos ang meeting kay Pres. Duterte sa Palasyo.

“You are not yet off the hook!”. He just want to finish the hearings and abangan ang next chapter.

Simple lang naman ang tanong ng madlang pipol Commissioner Faella este Faeldon.

Ipaliwanag mo ang text at sulat ng Chinese counterpart na nagtimbre ng shabu shipment na alagaan at protektahan si Mr. Chen or Richard Tan na owner ng warehouse sa Valenzuela city.

Di mo kinasuhan nagpaphoto ops pa kayo ni Col. Estrella kasama si Mr. Chen.

Yan ba ang peg mo? Protektahan ang smuggler ng shabu! Sa laki ng evidence na yan, dapat kasuhan mo at ipakulong si Mr. Chen nang di ka pagdudahan ng taumbayan.

Ito pa ang dapat ipaliwanag ni Faeldon. Ang pagtatanong ni Kabayan partylist Rep. Harry Roque.

“You are shielding Chen. Why? Everything points to him. He is equally liable to this. Pinoprotektahan mo si Chen at dahil walang chain of custody sa evidence madidismis ang kaso,’ Di daw ‘custody’, kundi ‘costudy’?

Kung pagbabasehan ang sulat ng Chinese counterpart, sinabi naman ni Sen. Richard Gordon–chairman ng Blue Ribbon committee na ‘nililinis’ nila ang pagkakasangkot ni retired Col. Neil Anthony Estrella, director of the Customs Intelligence and Investigation Service(CIIS).

“Kinakahon tayo na walang involved, nagtataka ako bakit ganoon. Walang Pilipinong involved lalo na nagpunta si Col. Estrella bago dumating ang sulat dito. Baka naman special request na ‘sulatan mo kami dahil pinag-i-initan kami dito kaya bigyan ninyo kami ng sulat para ‘di na kami maimbestiga,”

Paliwanag naman ni Estrella na nagtungo sila sa China for a ‘case build-up or case conference’ sa nakumpiskang daan-daang kilo ng shabu mula sa China.

Kaduda-duda rin na Chinese counterparts ang nagbayad ng plane tickets at accomodations ni Estrella at mga kasamang BoC officials matapos magtungo ang mga opisyal ng Anti-Smuggling Bureau(ASB) ng China sa Valuenzuela City matapos ang ikinasang raid noong Mayo.

Humingi si Sen. Gordon ng kopya ng plane tickets dahil maituturing na illegal ang kanilang byahe sa China.

Sa Senate hearing nitong Lunes, ipinakita ni Gordon ang liham ni Zhang Xiaohui, director ng International Enforcement Cooperation Division of the Anti-Smuggling Bureau (ASB), General Administration ng China Customs matapos ang mahigit isang buwan nang makumpiska ang shabu.

Ipinagtataka naman ni Cong. Rodolfo Fariñas kung bakit sinibak si Joel inawen bilang division head ng Intelligence Group na syang namuno sa raid ng shabu shipment sa limang printer rollers.

Inamin ni Estrella na siya ang nagrequest kay Comm. Faeldon na irelieve si Inawen sa pwesto.

Inilipat si Binawen sa MICP.

Tama rin si Sen. Ping Lacson nang sabihin nya na posibleng may 1,800 kilos ng shabu ang nakakalat na ngayon sa merkado dahil hindi na nag follow up ang mga awtoridad kung nasaan na ang nasabing mga kontrabando.

Ito’y dahilan sa may tatlo pang kargamento ang Hongfei Philippines na itinuturong nagparating ng shabu sa bansa.

#walangpersonalan #trabaho lang

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.