Thursday, October 19, 2017
politiko-politics-ph-logo

Sa sapatos pa lang, makikilala ka na

Aug 7, 2017 @ 13:12

By: Marlo F. Dalisay

Hindi kumpleto ang japorms, office boy/girl or tambay ka man, kung ‘ika nga ay hindi malupet ang sapatos na suot mo.

Pero puwede pa ring hindi maging maganda ang unang impresyon sa yo kahit na mas mahal pa sa pinakamahal na tsinelas ang suot mong sapatos kung hindi mo naman kayang pangasiwaan ang pagdadala nito.

Halimbawa nito ay ang rubber/casual shoes na kadalasang ginagamit ng publiko sa kanilang paggala o kaya pagporma-porma at pagtambay-tambay lamang sa kanto habang naghihintay ng masisipulan.

At ang pinakabasic tip na maaring ibigay ng pitak na ito para sa mga mahilig sa mga nabanggit na estilo ng sapatos ay ang mga sumusunod;

1. Kung puti ang suwelas ng sapatos- Huwag na huwag gagamitin kapag hindi pa ito napupunasan at natatanggal ang mga mantsang kumapit sa suwelas, dito nakikita ng mga metikuloso kung malinis o hindi sa katawan ang may suot.

2. Huwag magsusuot ng medyas na puti hanggang maiiwasan- ito ay upang hindi ka magmukhang mag-aaral sa elementarya.

3. Hindi na kailangang labhan ang buong sapatos- dahil kapag malinis ang suwelas, dala na nito ang buong hitsura at porma ng sapatos.

Basic na basic ang mga tip na ito pero kung magagawa lamang ng regular ng may suot, siguradong dagdag pogi points ang epekto dahil tataas ang respeto ng mga makakakita.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.