Friday, September 22, 2017
politiko-politics-ph-logo

Florante Rosales: Pasig Needs Espenido!

NAKAKAPANGIGIL at nakagagalit ang mga adik na walang awang pumapatay sa mga inosenteng sibilyan.

Natatandaan nyo pa ba ang rape-slay incident sa San Jose Del Monte, Bulacan na limang miyembro ng isang pamilya ang kinatay at ginahasa pa ng mga adik ang nanay at lola ng tatlong bata.

Ang principal suspect ay si Carmelino Ybañez na umaming lango sa alak at umiskor pa ng shabu pagkatapos isinagawa ang malagim na krimen noong June 27 ng madaling araw.

Sa autopsy report, nagtamo si Estrella 42 times ng sakaak, habang si aling Auring ay may 35 stab wounds, Donnie, 11-anyos ay may 15 stab wounds, habang si Ella, 7-anyos ay may 19 na saksak at ang bunso na si Dexter Jr., ay may five stab wounds.

Ngayon ang latest news, isang 15-anyos na dalagita na na naman ang pinatay at diumanoy ginasaha pa ng apat na ‘adik’ nitong Linggo ng gabi sa Pasig city.

Ang bangkay ng kawawang bata na natagpuang nakadapa sa gilid ng isang kalye sa Pasig City ay nakilalang si Grace Omadlao, estudyante, kasapi ng Iglesia Ni Cristo at anak ng isang tindera.

Sa police report, sinabi ni Pasig city Police Chief Col. Orlando Yebra na sinundan ng apat na kalalakihan ang dalagita nang lumabas sa isang computer shop bandang alas-10 ng gabi nitong Linggo, Sept. 4.

Base sa resulta ng autopsy examination ni Dr. Marianne Ebdane, sinakal o ‘asphyxia by manual strangulation’ ang ikinamatay ng dalagita na maraming pangarap sa buhay.

Meron din umanong signs na sya ay nirape ng mga suspek na halang ang kaluluwa.

Nilinaw naman ni P03 Oliver Baquiran na walang external injuries ang biktima nang matapuan ng isang sibilyan bandang alas-5 ng umaga ng Lunes.

Mga senorita y senorito, pag-ingatan po ang mga anak natin lalo na kung gabi na wag nang palabasin ng bahay.

Kung talagang kelangan na mag-computer sa isang internet shop, dapat po ay samahan natin sila para matiyak ang seguridad.

Naglipana pa rin ngayon ang mga demonyong adik sa bansa sa gitna ng pinatinding anti-illegal drugs campaign ni Pang. Rodrigo Duterte.

Nagdarasal po ang mga Pasigueño na sana ay mai-assign naman sa syudad si Police Chief Insp. Jovie Espenido para malinis na ang droga sa Pasig.

Kaya, anupaman ang upak ng Liberal Senators, mga righteous kuno na Commission on Human Rights, Catholic Church at mga leftist groups, I fully support the war on drugs.

Bilang isang ama, hindi ko papayagan na mabiktima pa ng mga ‘ulupong’ ang sinumang miyembro ng aking pamilya.

To hell with you all the addicts and holier than thou bishops and Duterte critics!!

Sana hindi mangyari ang ganitong karumal-dumal na krimen sa inyong kamag-anak o kapamilya, baka mag-rally rin kayo ala Kian delos Santos na sinakyan nyo ng todo.

Akala niyo hahakot ng simpatiya ng mga tao sa EDSA. Lumang tugtugin at style nyo bulok na yan!
Kaya ang sigaw ng mga netizen ay katarungan para kay #graceomadlao.

Narito ang kanilang mga reaction sa kaso ni Grace Omadlao:
Princess Angel Crisostomo: Rape and murder case Brutal grabe mga adik talaga at tigang ang gagawa niyo dapat batas sa pilipinas kagaya sa middle east sa mga gantong kaso
Condolences po sa family ng biktima. Pray and Justice for #GRACEOMADLAO

Nicole Santiago Nonoy wrotes, nasaan na kayo bakit ito hndi ninyo matulongan kayong mga CHR at mga PARI pati na si TRILILING ngaun nasaan na kayo mga hinayopak kayo saan kayo mga ULOL kayo?

Joe Curamen says kapag ho ang nakagawa ng hindi maganda ay ang ating kapulisan o kasundalohan, ang CHR ang titingin kung may paglaban o pag-abuso silang ginawa.

Iyan ho ang MANDATO/TRABAHO ng CHR. Dito ho sa kasong sinasabi ninyo ang may TRABAHO niyan ay ang ating kapulisan.

Galit naman na sinabi ni Jhun Ganapao Brosio, KALAMPAGIN NATIN ANG MGA TAGA CBCP,CHR,MGA MADRE,AT MGA DILAWAN,,SAAN KAYO??? KNG MGA KAPWA NYO SANGKOT SA DROGA ANG NAPATAY NAROON KAYO PERO KNG YNG MGA BIKTIMA NILA ANG NAGAHASA AT NAPATAY,,WALA KAYO AT TIYAK TUWAN TUWA KAYO,,DEMONYO ANG MAY GAWA KAYA DEMONYO DIN ANG KUMAKAMPI SA KANILA.

Esperidion Domanguera states that CHR, HONTIVIROS, DRILON,PANGALINAN,BAMBAM,AQUINO,TRILILINGNES,BINAY, ito biktima ng addict,si Grace Omadlao,na rape,pinatay ng addict wala ba siyang right na bigyan ng katarungan?si kian de los santos lang ba ang kailangan bigyan ng hustisiya?dito niyo ipakita na kayo ay my malasakit sa mamayan hnde lang puro publicity.mga lawyer daw kayo ipakita niyo na magagaling na lawyer kayo sa taong bayan!

Pahabol lang po. Pls Pres. Duterte, paki-assign si Chief Insp. Espenido sa Pasig city na kalat pa rin ang droga.
#JusticeforGraceOmadlao
#Hastalavistamgabesh!

Recommended on other sites

South Luzon Latest News
No feed items found.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Comments are closed.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.