Wednesday, November 22, 2017
politiko-politics-ph-logo

Florante Rosales: “Orchestrated move”

Oct 13, 2017 @ 12:47

Nagtagumpay na ang mga kapanalig ng mga sindikato ng droga na ipahinto sa pamahalaan ang war on drugs.

Ginagamit ng mga ito ang ilang human rights organizations para kondenahin at dikdikin si Pang. Rodrigo Duterte sa tumataas na bilang ng pagpatay sa mga inosenteng menor de edad at suspected drug personalities.

Tama si Pangulong Digong na “orchestrated move” ang lahat ng senaryo para gibain ang kanyang administrasyon.

Minura na naman ng Pangulo ang European Union at mga human rights group na sumisigaw na itigil ang mga pagpatay dahil sa war on drugs.

Kung tutuusin, di naman talaga dapat nakikialam ang USA, EU at iba pang nasyon sa pagresolba ng internal problems ng Pinas.
Gigil naman si Duterte sa Amerika na umanoy may pakana ng paninira sa kanyag administrasyon sa pamamagitan ng Central Intelligence Agency(CIA) at ng Rappler.
Ginagatungan umano nito ang oposisyon na gagawin ang lahat ng paraan upang mapatalsik sa pwesto si Pang. Duterte at sila na naman ang mamunini sa gubyerno, kaakibat ang muling paglaganap ng illegal drugs sa bansa.
Ngayong ipinahinto na nina Pang. Duterte at “Senator to be” este PNP chief Gen. Bato “crying rock” dela Rosa ang Oplan Tokhang at Double Barrel reloaded.
Kaakibat nito ang paglusaw na rin sa PNP-Drug Enforcement Unit(DEU), asahan natin mga ka-millenials ang lalong pagkalat at paglaganap ng shabu sa kalye.
Oo nga nandyan ang Phil. Drug Enforcement Agency o PDEA na nakatoka sa drug operations, hindi naman nila kakayaning mag-isa ang pagsugpo sa droga dahil sa lack of manpower.

Humigit kumulang sa 1,700 personnel o more than 50 operatives bawat rehiyon ang PDEA habang nasa 160,000 ang PNP.

Paano nila matututukan ang sangkatutak na mga pusher at adik sa bawat komunidad? Siguradong magpi-fiesta ang mga supplier at drug lords sa pag-bawi ng Pangulo sa war on drugs ng PNP.

Sa kabuuan, mahigit sa sa 1,700 High Value Targets(HVT) ang na-neutralize ng PNP simula noong July 1, 2016.

Kaninong administrasyon ba namayagpag ang shabu sa bansa na mahigit 90 percent ng mga barangay ang apektado?
Naging talamak din ang drug operations nina JB Sebastian at 18 pang VIP sa New Bilibid Prisons dahil sa “proteksyon” ng mga “Padrino” sa dating gubyerno noon. Bakit di nila ito nasugpo? Let’s ask Sen. Leila de Lima and her cohorts, mga senorita y senorito.

Noong PNoy govt, sinamantala ng mga drug syndicate at narco-politicos ang sitwasyon dahil tanging PDEA lang ang nakatutok sa anti-drug campaign.

Nasangkot din ang ilang opisyal at personnel ng PDEA noon sa droga kaya happy-happy ang mga sindikato.

Tama rin si Pang. Duterte nang magbabala na kung hindi nya madudurog ang droga sa ilalim ng kanyang administrasyon tiyak na magiging narco-state, ala Colombia at Mexico na ang mahal nating bansa.

Next target, riding in tandem

Dahil binuwag na ang DEU sa buong bansa, target naman daw ng PNP ang riding in tandem na siyang gumagawa ng mga pagpatay sa bansa.

Ikoconvert na lang daw ang unit sa isang intelligence group kontra sa mga kriminal at ang mga impormasyon na kanilang makakalap laban sa drug operations ay ipapasa sa PDEA.

Naibulong sa akin ng isang magiting na Governor sa Southern Tagalog na ang mga insidente ng pagpatay ng riding in tandem sa kanilang lugar ay bahagi ng malaking plano ng mga sindikato ng droga para isabotahe ang war on drugs ni Pang. Duterte.

Karaniwan na anyang mga tiwaling active at AWOL na police na “protektor” ng drug syndicates ang sangkot sa pagpatay sa mga inosenteng sibilyan para mas magalit ang publiko at mga pulitiko.

Pero, kung makikipagtulungan ang mga tao sa PDEA at PNP, mababawasan at tuluyang masusugpo ang droga sa Pinas.

I appeal to the President to reconsider his decision. Pwede naman po maging tandem ang PNP at PDEA to fight illegal drugs. We support you, Mr. President.

Sa isinagawang live polls ng DZRH television, kamakailan, mahigit sa 8,000 ang nag-likes at 6,200 ang nagkomento na mas safe sila sa kalsada kahit gabi na sila umuuwi ng bahay at mas may tiwala sila sa PNP kontra sa illegal drugs.

Hindi naman natatakot si Pang. Duterte sa banta ng EU at sa halip ay palalayasin nya ang mga Ambassador nila sa bansa.
“Now, the ambassadors of those countries listening now. Tell me, because we can have the diplomatic channel cut tomorrow. You leave my country in 24 hours. All. All of you. You must have taken the Filipinos for granted.”

Samantala, naglabas ng statement ang EU matapos maggalit si President Duterte sa pag-iimbestiga at pagkondena ng “International Delegates of the Progressive Alliance” sa war on drugs at extra judicial killings.

“The EU and the Philippines work constructively and productively together in a close partnership in many contexts and areas, including, of course, in the UN context. The cooperation covers a very wide range of subjects, including trade, where this year the Philippines made extraordinary progress on its exports to the EU.
The recent visit of the delegation of the “International Delegates of the Progressive Alliance” to the Philippines on 8-9 October was not a “European Union mission”, as falsely reported by some media outlets.
The European Union was not part of the organisation or planning of that visit – neither the Delegation of the European Union in the Philippines nor the European Union institutions in Brussels. The statements made by the Progressive Alliance during its visit to the Philippines were made solely on behalf of the Progressive Alliance and do not represent the position of the European Union.
The Delegation continues to operate and function normally, and is committed to working constructively and productively with the Philippines for the benefit of the population.”

Hasta lavista mga kabesh!

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.