Wednesday, October 18, 2017
politiko-politics-ph-logo

Oil companies, car dealers tumulong na kayo vs traffic

Oct 2, 2017 @ 17:41

By: Marlo F. Dalisay

Ang mga negosyante na lamang yata ng mga sasakyan at mga oil companies ang hindi tumutulong sa paghahanap ng paraan para mapagaang kahit kaunti man lamang, ang patuloy sa pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalunsuran, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa ibang bahagi ng bansa.

Kung tutuusin, dapat ay aktibong-aktibo ang mga kasapi ng mga sektor na ito sa pagtulong sa paghahanap ng solusyon sa naturang problema dahil sila naman ang tukoy na tukoy na kumikita sa mga motorista at sa sasakyan ng mga ito.

Sa halip, sa panig ng mga gumagawa at distributor ng mga sasakyan, lalo pang ibinagsak ng mga ito ang mga downpayment ng mga pahulugan kaya ang resulta, parang mga estatuwa na ang mga behikulo sa lansangan lalo na kapag rush hour sa dami ng kumukuha ng hulugan.

Sa mga oil companies naman, tila mas natutuwa pa ang mga ito kapag nakikitang umaandar ang mga makina ng mga sasakyan na nababalaho sa trapiko dahil mas matagal na makarating ang mga ito sa patutunguhan, mas maraming gas ang makukunsumo na nangangahulugan ng benta pa more sa kanila.

Kaya nga tila naiwan na sa kangkungan ang mga mambabatas at mga sangay ng pamahalaan sa kakaisip ng mga paraan kung paano malulutas ang problemang ito at kabilang sa mga pinakahuling gustong subukan ay ang pagconvert sa one way sa ilang pangunahing lansangan.

Kabilang sa mga pangunahing lansangan na dapat umanong gawing one way ay ang EDSA, C-5 at Roxas Boulevard upang bumilis ang daloy ng trapiko at mabawasan ang nasa P3 bilyon na halaga ng oportunidad na nasasayang araw-araw.

Maariing mapino pa ang mga ganitong panukala kung maglalaan lamang ng oras ang mga negosyanteg nasa sektor ng mga sasakyan at produktong petrolyo.

Dapat na muna nilang isantabi ang interes na palakihin pa lalo ang kita dahil hindi naman kaila sa lahat na sa kasalukuyan nilang estado ay humahakot sila ng limpak-limpak na salapi.

Sila ang may pera kaya siguradong kaya nilang umupa ng mga eksperto na gagawa ng totohanang pgasasaliksik sa paghahanap ng mga solusyon sa problema sa batas trapiko.

Pakakatandaan na mas maganda ang kinahihinatnan ng isang planong kasama sa pagbabalangkas ang lahat ng sektor na nauugnay.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.