Friday, December 15, 2017
politiko-politics-ph-logo

Move on na kayo Mamang Tsuper!

Sep 25, 2017 @ 20:28

By: Marlo F. Dalisay

Madadagdagan pa ang bigat sa balikat ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan dahil muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo mula Setyembre 26, kasama na ang diesel na ginagamit sa mga PUVs.

Sa kasalukuyang panahon, halos linggo-linggo ay automatic na tumataas ang presyo ng krudo sa bansa.

Nangangahulugan ito na mas dadalas pa ang mga insidente ng mga sinasadyang maling panunukli ng ilang desperadong mga drayber ng pampasaherong dyip sa mga pasahero upang madagdagan ang kanilang neto paggarahe lalo na ang mga nakiki-boundary lamang.

Ito rin ang dahilan kung bakit mula sa dating dagdag piso sa P8 na minimum na pamasahe sa dyip, gusto na itong gawin ng mga tsuper ng dyip sa Kamaynilaan na saradong P10 na sumasakop sa unang apat na kilometro ng distansiya.

Sa kagustuhang madagdagan ang kita, nagwelga ang isang grupo ng mga tsuper ng dyipni sa Kamaynilaan pero dahil na rin sa dami ng eskerol na kinabibilangan ng mga UV Express at bus at mga colorum na van, nakapasok pa rin sa mga upisina ang mga target ng mga ito na perwisyuhin para maging mensahe sana sa gobyerno.

Pero kung tutuusin, hindi naman nila kailangan pang magtransport strike upang ipahatid ang mensahe sa gobyerno dahil mayroon namang mas matinong alok na alternatibo ng LTFRB.

Ito ay ang modernong dyipni na bukod sa mas maraming sakay, 32 pasahero, ay airconditioned pa at bago ang mga makina.

Kung aircon ang dyip, siguradong mas magiging kaaya-aya ang mga drayber ng dyip, dahil sa estado ng mga ito sa kasalukuyan, masakit mang sabihin ay hindi na naglalayo ang kulay nila sa reserbang gulong na nakakabit sa gilid ng behikulong minamaneho.

Mas maraming sakay, mas mataas ang pamasahe dahil aircon kaya isang ikot lamang ay mararamdaman na nila na kumita sila, hindi gaya ng nangyayari ngayon na pagdating sa dulo ng ruta ay kakapain ang patpat sa tagiliran at aalisin ang takip ng tangke upang sukatin ang krudo kung makakabalik pa sa pinanggalingan.

Maganda ang programa pero matigas ang pagtanggi ng mga drayber dahil aabot daw sa P1.6 milyon ang halaga ng kada isang bagong dyip na iniaalok ng LTFRB at babayaran nila sa loob lamang ng pitong taon.

Pero dito sa Pilipinas, kung maayos ang pagmantini sa isang bagong sasakyan, maliban sa langis at gulong ay mag-uumpisang palitan ang piyesa ng mga ito pagkalipas ng limang taon kaya mararamdaman talaga ang kita.

Naipakita na rin ng mga drayber na kaya nilang magmantini ng luma at uugod na makina, ang bago pa kaya?

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.