bicol.politics.com.ph

Florante Rosales: Ilang opisyal ng POLO kuwait, nag-inuman sa mismong opisina; Isang lady official, naghubad at nag sasayaw pa

152

Hindi matapos tapos ang mga isyu ng pagmamaltrato sa mga ofw sa kuwait sa kabila ng temporary deployment ban na inutos noon ni Pang. Digong Duterte…

Itoy matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa isang Filipina domestic helper na si Joana Demafelis na taga-Iloilo.

Nitong nakalipas na linggo, may isang pinay rin ang dinukot sa airport at ginahasa ng isang kuwaiti na airport staff.

Ang insidente ay inireport ng kanyang amo sa mga pulis at patuloy na ang ginagawang imbestigasyon.

Nalalagay sa peligro ang buhay ng mga kababayan nating ofw sa kuwait dahl sa nangyayaring katiwalian sa embahada at mismong sa Phil. Overseas Labor Office(POLO).

Paano nga ba hindi magkakaproblema ang ating mga kabayaning OFW? puro kalokohan at pagliliwaliw lang ang ginagawa ng ating mga opisyal doon.

Ayon sa ating informer, hindi nya matanggap ang pag-iinuman ng mga opisyal sa loob ng OWWA shelter o bahay kalinga nitong nakaraang buwan lang.

Naghanda umano ng piging ang dalawang POLO official kasama ang ilang kawani at kaibigan. Nang-arbor pa ng alak ang isang opisyal sa isang recruitment agency para sa piging nila.

Dahil sa sipa ng alak na kanilang ininom, nalasing na ang mga ito at bigla umanong naghubad at sumayaw pa ang babaeng polo official sa harap ng mga kasama.

Nagtawanan at nagkasiyahan ang mga ito dahil kasama sa inuman ang playboy umanong opisyal na pasimuno ng piging.

Halata umano ang ‘ninja moves’ ni playboy official na may kursunada sya sa nasabing lady official…ang sabi nga ng mga millennial, “kapag may alak, may balak.”

Dahil sa insidente, hiniling ng Aksyon Bantay OFW na imbestigahan ni DOLE Usec. Claro Arellano ang mga opisyal ng POLO sa kuwait.

Susog pa ng mga kinatawan ng Foreign Recruitment Agencies(FRAs) na imbestigahan din ang umanoy pagtanggap ng mga regalo at pera ng ilang POLO official para marelease ang kanilang job order verification.

Hawak na ngayon ng Dept. of Foreign Affairs(DFA) ang affidavit ng isang volunteer ward na nagsalaysay ng mga pangalan ng mga opisyal na tumanggap ng mga regalo mula sa FRAs.

Sa susunod, abangan ang iba pang anomalya na kakalkalin natin sa embahada ng kuwait para makarating kay Pang. Duterte. End

Sent from Yahoo Mail on Android