Saturday, December 16, 2017
politiko-politics-ph-logo

Florante Flores: PINOY, NA-DENGOY SA DENGVAXIA Sanofi Pasteur, DOH, todo depensa!

Dec 4, 2017 @ 19:42

NA-DENGOY na naman ang mga Pinoy dahil sa kwestyunableng pagbili ng dating Aquino admin ng anti-dengue vaccine, Dengvaxia noong 2016.

Hindi tuloy mawala sa isip ko kung papaano na ngayon ang mahigit sa 700,000 Grade 4 pupils na tinurukan na ng bakuna kontra sa dengue.

Ayon sa ilang insider sa kampo ng dating administrasyon, malamang napaikutan lang si dating Pangulo Noynoy Aquino sa nalutong “dengvaxia deal” na ito.

Hindi naman maikakaila na may kumita talaga sa P3.5-B worth ng Dengvaxia na ginawa ng Sanofi Pasteur ng France.

Biro nyo mga señor at señora, ‘overpriced’ pa ang pagbili ng Department of Health sa dengvaxia sa halagang P1,000 per shot. Base sa isang website, ang totoong halaga pala ng dengvaxia sa merkado ay P9.37 per shot lamang.

For heaven’s sake, ipaliwanag mo nga ito sa publiko, Former DOH Sec. Janet Garin! Saan ngayon napunta ang ‘kickback’ na P990.63 per shot ng anti-dengue vaccine? We have to know the truth and the people’s money must be accounted for.

Tama si DoJ Sec. Vitaliano Aguirre na paimbestigahan itong anomalya sa NBI para papanagutin ang mga dating Aquino officials sa nangyari.

“Double whammy” po ang nangyari dahil ninakawan na nga ng pera ang bayan, nalagay pa sa peligro ang buhay ng mga kabataang nabakunahan ng dengvaxia.

Biro niyo, ilang buwan bago ang 2016 Presidential campaign, gumawa pa ng paraan ang Aquino admin upang may campaign kitty si dating LP Pres’l bet Mar Roxas.

Hindi nakapagtataka na kaliwat kanang upak ang ipinukol laban kay Pang. Rodrigo Duterte ng mga dilawan para i-cover up ang kanilang kalokohan. Abay, malaking krimen ito sa bayan!

Pres. Duterte has the axe to grind against those erring former Aquino officials who used our Kababayans as “guinea pigs” in testing the anti-dengue vaccine.

Umaapela ang Palasyo sa publiko na wag mag-panic sa nangyari pero di po maiiwasan ng mga magulang ng mga batang nabakunahan ang mag-alala at mag-isip kung ano ang mangyayari sa kanilang mga anak.

Kung totoo ang ulat ng VACC na may 3 batang nabakunahan ng dengvaxia ang namatay sa Central Luzon, dapat lang may managot at makulong sa mga nakinabang sa kontratang ito.

Kahit pa sabihin ni Dr. Lyndon Lee Suy ng DOH na bukas sila sa imbestigasyon at haharapin ang posibleng “class suit” ukol sa controversial dengue vaccine ay dapat pa ring gumulong talaga ang ulo ng mga dating Aquino govt officials na sangkot anomalya.

“The DOH is open to any investigation on the procurement of the Dengvaxia vaccine. The “severe” that was being identified by Sanofi is different from our severe classification,” diin ni Dr. Lee Suy.

Aba, minamaliit pa ni Dr. Lee Suy na only 10% of the over 700,000 children vaccinated by Dengvaxia run the risk of developing severe dengue.

Hello, doc! ang 10% ng 700,000 na kabataan ay 70,000 na buhay pa rin na pwedeng magkasakit at mamatay dahil sa bakuna.

Giit pa ni Lee Suy na dumaan sa masusing proseso bago aprubahan ng Food and Drug Administration(FDA) ang nasabing gamot. .

Katwiran pa ni Lee Suy na ang commitment ng DOH noong inilabas ang vaccine ay upang imonitor ang mga bata sa susunod na 5 taon. Por diospor santo, malinaw nga na “guinea pig” o sample test ang mga batang Pinoy.

Todo-depensa naman ang France’s pharmaceutical company, Sanofi Pasteur, na manufacturer ng controversial na Dengvaxia o dengue vaccine sa nangyaring kontrobersya.

Sa presa conference sa F-1 hotel sa BGC, giit ni Dr. Ruby Dizon, Medical Director ng Sanofi Pasteur, There are no reported deaths related to Dengvaxia.

Itinanggi naman ni Dr. Ching Santos, General Manager ng Sanofi Pasteur na ginawang “guinea pig” ang mga kabataang Pinoy dahil licensed ng FDA ang Dengvaxia kaya pwede nang idistribute at ibakuna sa mga ito.

Tiniyak din ni Dr. Santos na gagawin nila ng DOH ang makabubuting paraan upang magbayad sa mga apektadong bata sa diumano’y depektibong Dengvaxia.
.
Handa rin umanonsila sa mga ikinakasang imbestigasyon ng NBI, Senado at Kamara hinggil sa isyu
“Handa po kaming makipag-cooperate sa anumang ahensyang magpapatawag sa amin,” diin ni Dr. Santos

Para naman kay Dr. Ng Su Peing, Global Medical Head ng Sanofi Pasteur, “more than 9 out of 10 of people in the Philippines from adolescence have already had a dengue infection before. Overall, the vaccine is preventing significantly fewer cases of severe dengue in those who have been vaccinated more than those who did not receive the vaccine.”
Abangan ang mga susunod na kabanata sa gagawing imbestigasyon ng mga otoridad sa maanomalyang dengvaxia deal.
Mayroon kayang makasuhan at makukulong sa kasong ito?

Hasta La Vista, mga senor y senyora!

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.