bicol.politics.com.ph

Dahil sa bukbukin at mahal na presyo ng bigas, NFA Administrator Jayson Aquino: Mahiya ka naman, mag-resign ka na!

265

Dahil sa kabiguan na matugunan ang tumitinding krisis sa NFA rice, hinihiling ng ilang Senador ang ulo ni NFA administrator Jayson Aquino.

Isa na nga po mga kababayan si sen. Bam Aquino na binanatan ang kabiguan ng pamahalaang Duterte na mapababa ang presyo ng bigas sa merkado sa kabila ng pangako nitong mareresolba ito ng importasyon ng bigas ang problema.

“Sino na ba ang nagmamando sa bansa? Itong malaking krisis sa bigas, hindi man lang masolusyunan,” tanong ni Sen. Bam.

Nag-import pa ang Duterte govt ng bigas para maresolba ang problema pero mukhang lumala pa ngayon ang sitwasyon at nauwi pa sa rice crisis sa Zamboanga City.

Sa Zamboanga city, pila-pila ang mga mahihirap nating kababayan sa NFA retail outlet na parang naulit ang rice crisis ng mga nakaraang administrasyon.

Ginawa ni Sen. Bam ang panawagan sa resignation ni Aquino matapos humirit si Zamboanga City Mayor Beng Climaco na magdeklara ng state of calamity dahil sa kakulangan sa supply ng bigas.

Sa aking pagtatanong at monitoring sa mga kaibigang journo sa Zamboanga(especially kay Al Jacinto), naglalaro umano ang presyo ng bigas sa siyudad sa pagitan ng P55 hanggang P70 bawat kilo(OMG!)

Kamakailan, inaprubahan ng pamahalaan ang pag-aangkat ng 500,000 metrikong toneladang bigas upang matugunan ang supply ng murang NFA rice sa ngunit ilang tonelada na nga ba ang nakarating sa bansa.

Kinuwestyon din ni Sen. Bam kung saan napunta ang ipinagmamalaking inangkat ng National Food Authority (NFA) para mapababa ang presyo ng bigas sa mga palengke?(OMG ulit)

Nangangamba si Sen. Bam na baka mapunta lang ang NFA rice sa kamay ng mga tiwaling negosyante(rice traders) na magsasamantala sa presyo at ibebenta ito sa mas mahal na halaga, na lalo pang magpapabigat sa kalagayan ng mahihirap na Pilipino.

Inulit ni Sen. Bam ang panawagan niyang magbitiw ang ilang opisyal ng NFA, sa pangunguna ni administrator Jayson Aquino, dahil sa kabiguan ng ahensiya na tugunan ang problema sa supply ng bigas sa bansa.

“Mahiya naman sila sa taumbayan at mag-resign na. Dahil sa kanilang kapalpakan, nalulunod ang mga pamilyang Pilipino sa taas ng presyo ng bigas,” wika ni Sen. Bam.

Magugunitang hiningi na rin nina Senador Bam at Sen. Cynthia Villar na magresign ang NFA administrator dahil sa kabiguan ng ahensiya na mapigil ang rice smuggling at sumunod sa itinakdang 15-day buffer stock policy sa loob ng halos isang taon, simula noong March 2017.

Nakagugulat din po mga kababayan na may ilang daang libong sako ng NFA rice mula sa Thailand ang nabukbok na sa warehouse dahil sa kabiguang maipamahagi sa mga mahihirap.

Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha, Admin Aquino?

Biro nyo, ipapamigay nyo sa Bicol region at iba pang rehiyon na mahihirap ang kakain. Anong tingin nyo sa mga mahihirap na Bicolano, baboy at papalamunin nyo ng feeds o mabahong bigas. Isa pa itong si presidentia spokesperson Sec. Harry Roque, gustong ipamigay sa Bicol ang nabukbok na bigas dabil alam nilang kalaban si Vice-President Leni Robredo(Dahil dilawan ba sya kaya papadala nyo sa Bicol ang nabukbok na bigas?).

Si Sen. Aquino ang isa sa apat na Senador na bumoto ng kontra sa TRAIN law at sya rin ang nagsulong ngayon ng bill para sasuspension TRAIN law na nagpataas sa presyo ng mga bilihin at iba pang produkto.

Dahil nga sa matinding epekto ng nasabing batas, nagsulong ngayon si Sen. Bam ng Bawas Presyo Bill para suspindehin ang TRAIN Law na lubhang pahirap sa ating lahat.
Sa higit 130 bills na naisumite at awtor si Sen. Bam, 27 rito ang naging batas sa loob ng 5 taon.