Friday, December 15, 2017
politiko-politics-ph-logo

Florante Rosales: 12 lang ang inaheng bangus sa Odiongan

Jul 31, 2017 @ 17:57

By: Marlo F. Dalisay

Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas pero nakakalungkot isipin na ang mga taga-Romblon ay salat na salat sa suplay nito at pasuwertehan na lamang kung makakita sa mga palengke ang mga mamimili.

Sa bahagi pa lamang ng bayan ng Odiongan, pinakamalaki at pinakaprogresibong bayan sa lalawigang ito na sakop ng Mimaropa, 12 piraso lamang ang sabalo, tawag sa inaheng bangus, kaya napakabagal ng pagdami nito, parang mas mabilis pang dumami ang mga tao doon na tila napakasisipag manganak.

Ang impormasyon ay mismong mula kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol na nagtungo sa naturang bayan sa pamamagitan ng ro-ro mula sa Roxas, Oriental Mindoro at sumakay uli ng mas malaking ro-ro patungo ng Batangas City para makabalik ng Maynila.

Kaya kung ganito lamang kadami ang inaheng bangus sa isang malaking bayan na padami nang padami ang populasyon at turista, paano sila magsasawa sa bangus na kagaya ng tinatamasa ng mga taga Pangasinan.

Sa Pangasinan kasi, tiyan na lamang (liempo kung sa baboy) ng bangus ang kinakain ng mga tao at ang laman ay ginagawang relyeno upang ibenta sa mga lugar na salat ang suplay nito.

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.