bicol.politics.com.ph

CamNorte Rep. Tallado guns for second term in office

0 376

Camarines Norte Rep. Josie Baning Tallado is seeking reelection as congresswoman representing the first district of the province.

Tallado has recently filed her certificate of candidacy to formalize her bid for congress for her second term.

“Tunay nga na ang trabaho ng isang mambabatas ay mahirap ngunit it ay buong puso at buong husay kong ginagampanan para sa ikabubuti ng ating mga kababayan sa Unang Distrito na siyang aking pinaglilingkuran,” Tallado said.

“Bilang mambabatas ay nagsulong tayo ng mga panukalang batas na magproprotekta sa kapakanan ng mga bata, mag-aaruga sa ating mg Senior Citizens at PWD, magsusulong sa interes at hanapbuhay ng ating mga kapatid sa sektor ng agrikultura at pagmimina, pagkilala at pagsulong ng karagdagang benepisyo sa ating mga barangay officials, pagtaas ng sahod ng mga guro at mga kawani sa gobyerno, pag-papatibay ng National Minimum Wage Law para sa ating mga mangagawa sa pribadong sektor, pagsulong sa turismo at industriya sa ating distrito, pag-protekta sa ating kalikasan at kapaligiran at maging pagtatatag ng mga tanggapan ng LTO, TESDA, DPWH Engineering District, eskwelahan, at mga karagdagang sangay ng hukuman sa Unang Distrito,’ she added

Tallado also said that she sought funds for her district to help her constituents during her first term in office..

“Bilang mambabatas din tayo ay walang pagod na nangangalap ng pondo para sa ating mga scholars, wheelchairs para sa ating mga PWD at senior citizens, pondo para sa pangangailangang medikal at pambayad sa ospital, school supplies sa ating mga bata, sports equipment para sa ating mga kabataan, libreng wi-fi at mga gamot at binhi, programa para sa imprastuktura, pamimigay ng relief goods a at financial assistance sa mga naapektuhan ng kalamidad, at programang pang-hanapbuhay sa mga nawalan ng trabaho,” she said.

“Ang atin pong paglilingkod at pagseserbisyo ay suportado po ng datos at nasasaksihan ng ating mga kababayan,” she added.