bicol.politics.com.ph

Mayor Marcos suspends work tomorrow amid ‘Jolina’ onslaught

0 448

Mayor Mark Marcos has announced the suspension of work tomorrow in Naujan amid the onslaught of Severe Tropical Storm Jolina.

“Mga kababayan, nakararanas po ng pagsama ng panahon ang ilang bahagi ng ating bansa dahil kay bagyong Jolina,” the mayor said.

“Itinaas na po ng PAGASA ang Signal No. 2 sa ilang bahagi ng ating lalawigan kasama ang Naujan at inaasahan pong simula bukas ng umaga ay maaari nating maramdaman ang hagupit ng bagyong ito,” he added.

Jolina has initially made land fall in Samar and traversed the Luzon island.

“Kung atin pong napanood sa telebisyon, may kalakasan po ang bagyong ito kung kaya’t ipinaaalala po natin sa ating mga kababayan na maging mapaghanda at lumikas na agad kung kinakailangan,” said Marcos.

“Dahilan po sa mga naunang report na pinsalang dulot ni bagyong Jolina sa mga lugar na dinaanan nito at sa rekomendasyon na rin ni MDRRMO Joery M. Geroleo, atin pong kinakansela ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa ating bayan, lokal at nasyunal bukas (September 8) maliban sa ating mga service departments tulad ng MO, MDRRMO, MSWDO, MHO, MEO at MAGO bilang paghahanda,” he said.