bicol.politics.com.ph

Mayor Marcos appeals to Naujan residents to follow protocols amid rising COVID-19 cases

0 239

Naujan Mayor Mark Marcos appealed to his constituents to cooperate with the authorities and follow the protocols in place to prevent the further spread of COVID-19 in the town.

Marcos found out that the practice of allowing persons to enter Naujan without undergoing COVID-19 tests has been going on for some time now.

“Pagkatapos kong maipost nung isang linggo ang aking hinaing tungkol sa mga taong nakakapasok sa ating bayan na hindi man lamang naaAntigen o nakuquarantine dahil sila’y nakakalusot sa pamamagitan ng pagpapatala bilang residente ng ibang lugar sa ating lalawigan at dahil dito’y itinuturong isa sa mga dahilan ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa ating bayan na ngayon ay 488 na, maraming mga nagkwento sa akin na matagal na itong ginagawa ng ating mga kababayan kasabwat diumano ang mga taga-ibang lugar sa ating lalawigan na nagpapalusot sa kanila,” said the mayor.

“Sana naman po ay tuluyan ng mahinto ang ganitong gawain lalo na at baka masalisihan tayo ng DELTA Variant na lubha pong mas nakakahawa ayon sa mga eksperto,” he added.

Marcos said that having COVID-19 and being isolated alone are not a pleasant experience.

“Akala n’yo po siguro ay madali lang ang magkaCOVID-19 ? Hindi n’yo kase alam ang nararamdaman ng mga naa-isolate, ang trauma/stigma na nararanasan ng mga dinadapuan ng virus pati kanilang mga kapamilya na syempre ay nilalayuan,” he said.

“Kayong mga diumano’y kasabwat sa pagpapapasok, hindi baga kayo nakokonsensya na maaaring ang mga pinalusot nyo ang siyang naging sanhi ng pagdami ng mga nagkakasakit at namamatay sa iba’t-ibang bayan dahil sa dala nilang virus? Hindi baga kayo nahihiya sa mga taong sumusunod sa proseso? Marahil hindi n’yo ito naiisip dahil ang mahalaga lamang sa inyo ay ang maging pogi sa paningin ng mga pinapapasok n’yo,” he added.

“Magtulungan na lamang po sana tayo upang hindi dumami ang nadadapuan ng virus sa ating lalawigan.”