bicol.politics.com.ph

Cam Norte Board Member Reynoir Quibral gets a master’s degree with his son

0

Camarines Norte Board Member Reynoir Quibral’s latest accomplishment is a feat accomplished with his son.

Quibral recently finished his Master of Professional Studies Major in Public Administration from Wesleyan College of Manila in consortium with Cavite State University, and one of his classmates was his son Reilan.

Both have now graduated, and Quibral shared their graduation photos in a Facebook post.

He thanked all of those who served as inspiration as he pursued his master’s degree, including his family, his classmates including the smart ones, and his teachers who persevered in helping him get through school.

He also recalled that it took him 16 tears to get his bachelor’s degree.

He now appreciates the value of education, as it is something that cannot be taken from him, he said.

He said the youth now are lucky that free education is available to them, and he called on them not to pass up this opportunity.

They could later use their education to help other people, he said.

Now that he has a new master’s degree, he has more knowledge with which to assist others!

“Ako po si Bong Quibral, mula 1988 hanggang 2004, 16 years sa kolehiyo ng Mabini, Daet, Camarines Norte na may kursong Bachelor of Arts Major in English.

2013, nakalusot bilang Board Member ng Lalawigan ng Camarines Norte at gagraduate na sa 2022

2019, nag aral bilang Master of Professional Studies Major in Public Administration sa Wesleyan College of Manila in consortium with Cavite State University at ang kaklase ko, walang iba kundi ang panganay kong anak na si Reilan Leeboy Quibral 😂 at ngayon nakalusot, graduate na! 😂

Maraming salamat sa aking mga naging inspirasyon, sa aking pamilya, mga kaklase sa koprada at hilada, mga kaklase sa paliligo sa duungan at tumugan ng karabaw, sa mga matatalino kong nakatabi sa eskwela, sa matatalinaw, mga guro na nagtyaga sa 16 years ko sa kolehiyo 😂 maraming salamat po sa inyo.

Ngayon ko masasabi na napakahalaga talaga ng edukasyon, sapagkat hindi ito mananakaw ninuman. Hindi rin ibig sabihin na wala tayong pera ay hindi na tayo makakapag aral; Maraming paraan kung gugustuhin .

Maswerte na nga ang kabataan ngayon, dahil libre na ang pag aaral, di tulad noon. Kaya’t huwag sayangin ang pagkakataon; tapusin natin ang ating pag aaral.

Edukasyon, ito ang humuhubog sa ating mga pananaw sa buhay at ang karunungan ay siyang biyaya ng Panginoong Diyos na hindi natin dapat itago bagkus ay ibahagi natin ang ating mga nalalaman para sa iba upang sila naman ay ating matulungan sa mga desisyon at anumang hamon ng buhay.

Huwag maging maramot sa kaalaman, binigay yan sayo para ibahagi sa iba.

Muli, ito po ang inyong anak, ang dating magkakabod, magkokopra sa Napaod Labo, tricycle driver sa Daet LAGTODA, dating tagatinda ng itlog na pugo sa kapitolyo, magtitiyangge at magtitinda sa palengke ng Labo, Camarines Norte, ngayon, gagraduate na ksama si Leeboy ! 😂

I love you with all my heart, three times a day! Maraming salamat po!

pastedGraphic.png

<3

Nagmamahal,

REYNOIR VILLACRUSIS QUIBRAL, MPSPA,” Quibral posted.