bicol.politics.com.ph

Oriental Mindoro’s 2021 budget gets SP approval

0

The Sangguniang Panlalawigan of Oriental Mindoro has recently approved the annual budget of the province for 2021.

“Ipinasa ng SP ang 2021 Annual Budget matapos ang masusing paghimay at maingat na pag-aaral sa panukalang pondo na inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa 18 na Departamento, kasama ang 5 mga Ospital na pinamamahalaan nito, gayundin ang pondo na inilaan para sa pangangailangan ng bawat sector sa lalawigan,” Oriental Mindoro Vice Governor Jojo Perez said.

“Sa loob ng mga panahong iyon, nagsagawa ng serye ng budget hearing ang SP Committee on Planning and Budgeting na pinangunahan ni Bokal Raf Infantado,” he added.

The Vice Governor said that the council scrutinized the proposed budgets of the departments of the provincial government.

“Dito, isa-isang inimbitahan ang bawat Departamento ng PGOM upang usisain kung naaayon sa kanilang pangangailangan ang pondong nakalaan sa 2021 Proposed Annual Budget,” he said.

“Sa komprehensibong pagtatalakay, sinuri rin ng SP ang kaangkupan ng mga inilaang pondo sa higit na kailangan ng mga mamamayan sa kasalukuyang krisis at pandemya,” he added.

Perez said that they requested the executive branch to submit documents so that they could allot a budget for COVID-19 procurement but such request was denied.

“[N]akita ng SP na kulang ang pondo na inilaan para sa PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, at para sa SEKTOR NG KALUSUGAN AT AGRIKULTURA, ipinipilit sana ng SP na lagyan ang mga ito ng dagdag at sapat na pondo. Kinailangan rin ng SP na humingi ng karagdagang mga dokumento at magtakda ng ilang kondisyon upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga probisyon ng 2021 Annual Budget,” said Perez.

“Sa kabila ng mariing pagpupumilit ng SP na madagdagan ang pondo para sa Covid-19 vaccine at sa sektor ng kalusugan at agrikultura, hindi ito pinagbigyan ng Executive Department. Gayunpaman, ipinasa ng SP, sa magkaibang araw ng sesyon ang 2021 Annual Budget sa Second Reading (February 1) at Third and Final Reading (February 8), sa pangakong ang karagdagang pondo na ipinipilit sana ng SP ay ilalagay sa Supplemental Budget,” he added.