bicol.politics.com.ph

Hi-tech! Sorsogon Capitol eyes digitization this year

0

The Province of Sorsogon will go digital this 2021 in order to bring fast and efficient services to the public.

“Nakatakdang matapos ngayong taon ang digitization program ng pamahalaang lalawigan sa iba’t-ibang departamento na naglalayong makapaghahatid ng epektibo at mabilis na serbisyo sa mga taga Sorsoganon,” the Capitol said.

“Sinabi ni Carmelo H. Griarte, hepe ng kauna-unahang Provincial Information and Communications Technology Division, ang digitization ay hindi lamang magpapabilis ng proseso sa bawat transakyon sa kada opisina bagkus ito rin ay isang paraan para magkaroon ng transparency at maiwasan ang korupsyon sa pamahalaang lalawigan,” it added.

The digitization initiative is just one of the many programs of Sorsogon Governor Francis Escudero.

“Isa sa proyekto ni Governor Escudero sa ilalim ng digitization program ngayong taon ay ang paglalagay ng Docket Office na mangangasiwa sa lahat ng mga dokumento na lalabas at papasok ng kapitolyo kung saan isasailalim din ito sa Document Tracking System para madaling matunton ang mga dokumento at mabibigyan ng agarang tugon,” said the Capitol.

“Bukod dito, kasabay sa isinasagawang renovation ng gusali ng pamahalaang lalawigan, naglalatag na rin ng structured cabling na magkokonekta naman sa ibat-ibang departamento o opisina. Maglalagay din ng mga CCTV sa buong kapitolyo bilang karagdagang seguridad at magsisilbing mata sa bawat sulok ng gusali,” it added.

The Provincial ICT Division was formed by Governor Chiz last year to digitized the system of several offices such as Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), Provincial Assessor’s Office, Provincial Accounting Office, Provincial Budget Office, Provincial Treasury Office, Provincial General Services Office (PGSO), Sorsogon Provincial Hospital (SPH), district hospitals and Rural Health Units (RHU).