bicol.politics.com.ph

Better safe than sorry! Mayor Panaligan says evacuees have been sent home

0

Calapan City Mayor Arnan Panaligan said residents of a coastal barangay who voluntarily evacuated amid the threats of Typhoon Ulysses have been sent home yesterday.

“November 12 ng tanghali, ipinahatid natin pauwi ang mga residente ng Bgy. Navotas, isang coastal barangay, na nagsagawa ng pre-emptive evacuation isang araw bago dumating ang bagyong Ulysses noong Miyerkoles,” said the mayor.

“Ang mga residente mismo ng barangay ang nagsabi na gusto nilang magsagawa ng pre-emptive evacuation dahil sa papalapit na bagyo. Naalarma sila dahil sa mga texts ng NDRRMC na nagbababala tungkol sa posibilidad ng storm surge sa mga baybaying dagat at kasama ang Oriental Mindoro sa mga text warning,” he added.

The chief executive said that there was nothing to worry about but still commended the residents for their initiative to evacuate voluntarily.

“Bagamat naniniwala tayo na hindi direktang tatama ang bagyo sa atin ayon sa PAGASA forecast at hindi tayo makakaranas ng malakas na epekto ng bagyo, pinagbigyan na rin natin ang kahilingan ng mga residente na kusang loob na lumikas,” he said.

“Mabuti na ang sigurado at ng hindi tayo magsisi kung may nangyari nga na kalamidad. Better to err on the side of caution. Mabuti na rin na ang mga residente mismo ay mayroon ng disaster awareness at kultura ng paghahanda hindi tulad noong dati na kahit andyan na ang bagyo ay hindi pa rin lumilikas,” he added.

Panaligan also said: “Sapagkat ang Pilipinas ay nasa daanan ng mga bagyo sa Pasipiko, nararapat lamang na ang ating mga kababayan ay may pag-iisip at kamalayan ng kahandaan o sense of preparation sa mga disaster. Mas tiyak na ligtas ang maagap at handa.”