bicol.politics.com.ph

Feels good to be back, Cam Norte Rep. Josie Tallado says on her return to House plenary

0

After seven months, Camarines Sur Rep. Josie Tallado is happy to step foot again inside the plenary hall of the House of Representatives.

In a Facebook post, Tallado said she was glad to return to the hall to vote for her good friend and party mate Marinduque Rep. Lord Allan Velasco for the speakership.

It was a different kind of feeling stepping into the room and meeting her colleagues personally, she said.

Now that she’s back, she would join the budget deliberations until this is approved and submitted to the Senate, she said.

Maybe it feels good to be working for a new Speaker!

“ANG ATING MATAGUMPAY NA PAGBABALIK SA PLENARYO NG KONGRESO

Matapos ang halos pitong (7) buwan mula ng huli tayong tumapak sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan, matagumpay po tayong nakabalik at nagluklok ng ating mabuting kaibigan at kapartido bilang bagong Speaker ng House of Representatives — si Speaker Lord Allan Jay Q. Velasco ng Marinduque.

Iba pa rin ang pakiramdam ng makabalik sa Plenaryo at personal na makipagdiskurso sa mga kapwa ko mambabatas tungkol sa mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa at irepresenta ang interes at ikabubuti ng Camarines Norte.

Bagamat hindi tayo personal na nakadalaw sa plenaryo dahil limitado lamang ang maaaring dumalo nitong mga nakaraang mga buwan, ay regular naman tayong nakikipagugnayan at gumaganap ng ating tungkulin bilang mambabatas sa pamamagitan ng zoom meeting.

Ngayong tayo ay nakabalik muli, aaraw-arawin nating talakayin ang budget hanggang ito ay maipasa at maisumite natin sa Senado,” Tallado posted.