bicol.politics.com.ph

Rep. Tallado: CamNorte’s first district gets 5,000 face shields from DOST

0

The first district of Camarines Norte has received 5,000 face shields from the Department of Science and Technology to be distributed to its frontliners, Camarines Norte Rep. Josie Tallado said.

“Isa na naman pong magandang balita para sa Unang Distrito, dahil sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST) at ng inyong lingkod, Cong. Josie B. Tallado, tayo po ay pinagkalooban ng limanglibong (5,000) Face Shields na gawa po mismo ng DOST – Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) sa kanilang Head Office sa Bicutan, Taguig City,” said the solon.

“Masaya po tayo dahil nagging mabilis po ang tugon ni DOST-MIRDC Executive Director Robert O. Dizon sa Letter Request ng inyong lingkod para sa mga frontliners ng Unang Distrito ng Camarines Norte,” she added.

Tallado said that she personally saw the face shields and assured that they are sturdy.

“Nauna nang ibinalita sa atin ni Executive Director Dizon na nagbigay sila ng 10,000 Face Shield sa DOST Bicol Region (Region V) na paghahati-hatian ng 6 na probinsya na binubuo ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon, kung kayat tayo ay maswerte sa 1st District dahil bukod sa ibibigay ng Regional Office, ay mayroon pa tayong 5,000 na para lamang sa Unang Distrito,” said the Tallado.

“Ito ay malaking tulong narin para sa ating mga frontliners bunsod ng pagtaas ng COVID Cases sa ating rehiyon. Matatandaang sa Metro Manila ay nire-require ang mga lalabas ng bahay na magsuot na din ng faceshield para sa dagdag na proteksyon,” she said.

The solon also thanked Lina Afable, head of Technology Diffusion Division of the DOST-MIRDC for attending to her request.

“Nabanggit din sa atin ni Ms. Afable na sa kasalukuyan ay hindi nila napagbibigyan lahat ng request dahil limitado lamang ang kanilang produksyon, kung kaya’t isa lamang ang Unang Distrito ng Camarines Norte sa mga piling napagbigyan dahil narin sa ating masusing koordinasyon sa kanila,” said Tallado.

“Walang sawa po ang inyong lingkod sa pakikipagugnayan sa mga national na ahensya ng pamahalaan para ang Unang Distrito ng Camarines Norte ay patuloy na makakuha ng magandang serbisyo at tulong na pakikinabangan ng ating mga kababayan,” she added.