bicol.politics.com.ph

Albay Vice Gov. Grex Lagman vows justice for slain cousin

0

Albay Vice Gov. Grex Lagman could not accept that his cousin, Kagawad Tantan Burce of Bgy. Pinyahan, Quezon City, was violently killed.

In a Facebook post, Lagman condemned the killing and vowed to seek justice. .

He said his cousin was one of his most loyal leaders when he ran for councilor in Quezon City.

Burce also had a clean track and respectable record in public service.

He served the people well as kagawad for many terms, he added.

The Vice Governor said he and his family would work together to hold yo account those responsible for the killing.

This family helps and protects its own!

“Kinokondena ko po ang marahas na pagpatay sa aking pinsan na si Kagawad Tantan Burce ng Barangay Pinyahan, Quezon City. Ang kanyang ama ay taga-San Miguel Island, Tabaco City, Albay. Taga-Albay din po ang kanyang ina.

Sa lahat ng pagkakataong tumakbo po ako bilang konsehal ng ika-Apat na Distrito ng Lungsod Quezon noong 2004, 2007 at 2010, si Tantan ang isa sa aking pinaka-tapat na lider sa Barangay Pinyahan. Isa ito sa pinakamalaking barangay ng Lungsod Quezon. Pag kami po’y naguusap, lagi po sa wikang Bikol. Kaya naging malapit din po ako sa lahat ng mga samahang Bikolano sa Pinyahan na kung saan ang mga opisyales at mga miyembro nito ay pawang mga kaibigan niya.

Ang kanyang pagseserbisyo publiko ay nanatiling malinis at kagalang-galang. Bagama’t di po siya pinalad na maging kapitan ng Pinyahan sa dalawang pagkakataon, ang mga mamamayan ng Pinyahan ay patuloy niya pong pinagsilbihan ng mabuti at maayos bilang isang kagawad ng maraming termino.

Asahan po ng mga naiwang mahal sa buhay ni Tantan Joseph Burce na tutulong po ako at ang aking pamilya na bigyan ng hustisya ang karumaldumal na pagkitil sa buhay niya. Kasama ko po si Konsehala Ivy at ang mga anak namin sa pagseserbisyo publiko na sina Kagawad Thomas Jacob Lagman ng Barangay Central na pangulo din ng Liga ng mga Barangay Kagawad (LBK) sa ika-Apat na Distrito ng Lungsod Quezon at si Kagawad Josh Lagman ng Barangay South Triangle na makamit po ni Tantan ang hustisya,” Lagman posted.