bicol.politics.com.ph

Oriental Mindoro prepares for Typhoons Tisoy’s brunt

0 270

The Oriental Mindoro provincial government has started its preparations for the brunt of Typhoon Tisoy.

Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor has convened all of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer in every locality including the Capitol’s department heads.

“Tampok sa mga napagpulungan ang opisyal na pagdedeklara ni Gob. Bonz Dolor ng suspension ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan sa mga petsang Disyembre 2 hanggang Disyembre 3 na nakasaad sa ipinalabas niyang Executive Order No. 235,” the Provincial Government said.

Governor Dolor also issued the following safety measures:

– Ang pagtatalaga ng isa o higit pang bilang ng dumptruck na naka standby sa bawat bayan at lungsod sa pakikipagtulungan ng mga contractor ng Pamahalaang Panlalawigan upang mas madaling matugunan ang mangangailangan nito sakaling magkaroon ng pagbaha o anumang krisis na sitwasyon sa lugar;

– Ang kahandaan ng mga pulis at sundalo sa bawat bayan para sa pagresponde anumang oras na kailanganin ang kanilang serbisyo;

– Ang pagtutuwang ng ORMECO at Bureau of Fire Protection sa pagiging alerto kontra-sunog kung sakaling manalasa ang bagyo;

– Ang pagiging maagap ng Department of Public Works and Highways at Provincial Engineering Office sa clearing operations partikular sa mga pangunahing daan sa mga municipal, provincial at national highway gayundin ang pagbabantay na huwag maapektuhan ang mga linya patungo sa mga operation center (OPCEN) at ang pagsasaayos ng parking ng mga sasakyan sa mga pangunahing daan;

– Ang kahandaan ng NFA para sa availability ng bigas gayundin ng Department of Social Welfare and Development Office para sa food packs na kakailanganin sa mga evacuation center;

– Ang kahandaan ng mga hepe sa Kapitolyo partikular ang mga tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Engineering Office, at General Services Office upang tumugon sa mga maaapektuhan ng bagyo;

– Ang pagsasaayos ng mga MOA sa pagitan ng mga LGU at NFA para sa madaling pagkuha sa huli ng bigas para sa mga magiging biktima.

Typhoon Tisoy is expected to make a landfall tonight in Bicol Region. Three provinces in Region V are currently under Signal Number 3.