bicol.politics.com.ph

Rep. Tallado brings jobs to over 1,000 CamNorteños

0 937

Over 1,000 CamNorteños will benefit from the jobs brought by Rep. Josie Tallado in partnership with the Department of Labor and Employment (DOLE).

“Sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng inyong lingkod, napagbigyan ang ating hiling na mag-laan ng kaukulang pondo na makakapagbigay tulong sa higit isang-libo (1,000) na ating mga kababayan sa Unang Distrito ng Camarines Norte,” Tallado said.

“Sa pamamagitan ng Proyektong Tulong Pangkabuhayan Para Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, ating inilahad sa DOLE ang pangangailangan ng ating mga kababayan na mabigyan ng trabaho lalo na ang mga apektadong mga magsasaka, mangingisda at mga minero na nawalan ng hanapbuhay dahil sa ibat-ibang krisis at natural na kalamidad na dumaan sa ating probinsya,” she added.

The fund will be sourced from DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program Fund.

“Sisiguraduhin natin na ang lahat ng mga munisipyo ng Unang Distrito (Capalonga, Jose Panganiban, Labo, Paracale at Santa Elena) at 147 Barangay ay makikinabang dito at inihahanda na ng ating opisina ang listahan ng beneficiaries sa pakikipagugnayan sa mga barangay coordinators,” the lady solon said.

“Ang proyektong ito ay magandang balita para sa ating distrito at maagang pamasko na rin sa ating mga kababayan,” she added.